THE GIRL FROM YESTERDAY
#TGFY 10
“Nahihirapan akong magdesisyon, pero mas nahihirapan ako na Makita na may isa at isang tao akong masasaktan sa desisyong gagawin ko. And it was karlo”.
-Adrienne.
……………………………….
Karlo’s POV
Halos masiraan na ako ng ulo, hindi dahil sa pagkakabagok ng ulo ko sa paghampas ng bote sa akin ng baliw na si Trixie. Baliw sya, at sobrang baliw na baliw sya sa akin. Huh! Tama lang na umayaw na ako at iniwanan sya, nagpapasalamat narin ako sa pustahan namin ni Bench, at ako ang nanalo. Pero hindi ko inieexpect na magiging ganito ka-worst yung situation.
Sa totoo lang, isa lang naman talaga yung babaeng, nagpapatibok ng puso ko. At ito ay walang iba kundi ang bestfriend kong si Adrienne. Oo napaka-cliché ng story namin. Bestfriend ko sya tapos nagkagusto ako sa kanya. Well yung pagka-gusto ko sa kanya, it takes a lot of time, feeling ko kasi. The more na lagi kaming magkasama, lagi akong naattache sa kanya, lagi akong concern sa lahat ng ginagawa nya at gagawin palang nya. Napaka-supportive ko rin sa kanya at kung ano mang gusto nya. Pero isang araw.
Isang araw, nag-tapat ito ng pag-ibig sa akin. Tinawanan ko sya, Tinawanan ko lang yung pagtatapat nya sa akin, tinulak ko sya. Tinulak ko sya palayo sa akin. At ngayon, umiiyak ako na parang tangang batang naagawan ng isang laruan. I didn’t say na laruan si Adrienne, pero kasi the fact na kasama na sya ng ibang tao, at parang sobrang galit sya sa akin. Sa ginawa ko sa kanya at sa paglalaro ng damdamin ng iba, na syang ginawa ko nga kay Trixie. Doon sya lumayo sa akin.
Oo napaka-sama ko. At I claim it. Sarili ko ito at walang ni isa sa inyo ang makaka-pagsabi sa akin nito kung bakit ko ito nagawa. Hindi nyo alam ang dahilan kaya wala kayong karapatan na ijugde ang isang katulad ko. Lumipas ang mga linggo, tuluyan ng lumayo si Adrienne sa akin. Pati yung pagiging mag-seatmate namin ay inalis na rin nya. Lumipat sya doon sa tabi ni Timothy na kung saan sobrang kinukulit sya. Makakatikim na talaga sa akin itong lalakeng ito. Adrienne always got in trouble because of this Man. Gggrrrrr!. Lumipas ang mga araw, halos natutunan ko naring hindi sya pansinin. Yung hindi sya titignan, yung hindi sya tutulungan. Eto na naman ako, umaandar na naman kasi yung ego ko. Gusto ko kasi sya yung mag-maka-awa sa akin na maging ok kami. Pero habang tumatagal parang walang nangyayari, parang unti-unti ng nawawala sa akin si Adrienne. Ang bestfriend ko.
After ng math class namin, kaagad na tumayo si Adrienne at lumapit naman si bench para bitbitin yung gamit nito. Yays! Na mimiss kong buhatin yung mabigat nyang bag. Hays!. Palabas na sila ng classroom ng tinawag ko si Bench.
“Bench” sigaw ko pa sa pangalan nito, lumingon si Bench sa akin, at ganun din si Adrienne.
“Pwede ba tayong mag-usap?” sabi ko sa kanya. Na seryoso ang pagtingin sa kanya. Narinig ko pang sinabe nito kay Adrienne na. mauna na ito at mag-uusap lang raw kaming dalawa. At wag raw itong mag-alala kasi wala raw mang-yayari sa aming dalawa. Huh! Wish nya lang. gustong gusto ko nang pagduguin yung pagmumukha nya. Isa syang malaking asa sa amin dalawa ni Adrienne.
At saka umalis na si Apem. Kaming dalawa nalang ang naiwan sa Classroom.
“Oh?, anong pag-uusapan natin” tanong nya, sabay ibinaba nito yung gamit ni Adrienne. Saka inayos yung pagkakatayo nito’t na seryoso parin ang mukha.
“tungkol kay Adrienne” sabi ko, nag-iinit yung ulo ko. Yung mukha ko rin namumula, pinag-papawisan yung kamay ko, nag-iinit na talaga ako.
“What about her?” tanong pa nya.

BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Novela JuvenilKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)