#EPILOGUE (End of Book1)

1.6K 30 44
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#EPILOGUE

(End of Book1)

Katatapos ko lang ikwento sa kanila ang kwento nila Karlo at Adrienne, na syang gagamitin namin sa darating na Annual Stage Play na gaganapin sa amin paaralan.

Nakatitig lang sila sa akin noong pagkatapos ko itong ikwento sa kanila. Na parang wala silang reaksyon pagkatapos ng mga maraming kilig moments at mga iyakan na ibinuhos ko sa kwento kong ito.

“yun na yun?” reklamo pa ni Trixie. Tumahimik lang ako, and I slowly nodded my head to say yes.

Trixie is playing herself, pero sa totoong buhay ay kaibigan ko sya. Kasintahan sya ni karlo na sikat na soccer player sa aming paaralan.

“Yun na?. tapos na. nahulog si Apem galing sa rooftop ng hospital without knowing na buhay ba o patay si karlo?” medyo tumaas pa yung boses ni Trixie. Nagbabrain storming kasi kami sa gagawin naming stage play. At sabi kasi ni teacher Nancy. 

Oo kung magbaback read kayo part si Mam Nancy ng kwento ng buhay ni Karlo at Adrienne. Sya yung nag-bigay payo kay Apem na wag sumuko. Na katulad na wag gayahin yung kwento nila Romeo and Juliet.

“Mukha namang maganda” sumagot pa si Karlo. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Pero iniwasan ko syang tignan pabalik.

Nga pala…yung mga karakter sa kwento ka kumusta kras mo ay mga tunay na tao, para mas matandaan naming yung mga pangalan na gagamitin namin sa stage play. Karlo is playing himself. Pero yung totoo eh hindi ko talaga sya kras. Actually magbestfriend kami, Noon. Pero ngayon kasi bigla nalang syang nawala. Nawala sa piling ko.

Magbestfriend ang mga magulang namin. Sina mommy Marie at tita France na syang mommy naman nya. At hindi rin totoo na galing sa broken family itong si karlo.

Actually Masaya kasama yung family nya, yung totoo nga eh ako yun galing sa broken family.

Sa twing nandoon kasi ako sa kanila tita france na kung saan eh kapitbahay lang din namin eh. Parang napaka-saya, lagi akong welcome doon, minsan pa nga eh doon na nga ako nakakatulog. Sobrang close kami ni karlo before hanggang sa niligawa nya si Trixie na sa kalaunan eh naging kaibigan ko na rin.

Pero dahil din doon eh umiiwas na yung loob namin sa isa’t isa. Nababawa na yung mga oras namin sa bawat isa.

Gaya sa kwento sikat si karlo. He is part of the soccer team sa school namin na HAMILTON HIGH.

Kung matatandaan nyo sa kwento. Yung Hamilton high eh yun, yung school na kung saan lumipat si Adrienne galing sa dati nyang paaralan. Na kung saan nakilala naman nya si Timothy, classmate ko si timothy and just like karlo, he’s also part of the soccer team.

“Hindi na ba pwedeng palitan?, hindi ba pwedeng maging happy ending?”

itinaasa naman ni Gravity yung kamay nya na nagsusuggest ng gusto nitong sabihin. Si Gravity, hindi totoong mabaho ang hininga nya. Natatawa nga ako eh.

Yung narinig nya yung pangalan nya na mabaho ang hininga nya na kaibigan ko sya sa kwento, na wala syang ginawa kundi ang asarin ko sa kwento eh hindi man lang sya nagreklamo.

Ok lang daw sa kanya yung role nya astig nga raw eh. Kakaiba. Model si Gravity ng isang sikat na Toothpaste Brand. Alam nyo na?. mabango talaga ang bunganga nya.

“Oo nga, everyone wants a happy ending. Bakit kelangang may mamatay?. Baka hindi magustuhan ng mga tao? Ng mga bisita. Ng mga manonood yung palabas natin?” reklamo din ni Ayris. habang naka-nguso ang bibig nito.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon