#ENTRY 4

3.6K 36 9
                                    

Kabanata 4

"Anong kelangan mo sa akin Karlo?" wow! Atleast ngayon nasasabi ko na sa harapan niya yung pangalan niya? Ang sarap pala sa pakiramdam yung dating, gusto mong maabot, ngayon? Halos pwede mo nang mahawakan? Masasapak ka nga lang muna.

"Pwede ba? Wag mo nga akong tawagin na para bang napaka-close natin sa isa't-isa?" hala? Sinapian na naman ba siya ni Satanas? May regal ulit? Ang buong akala ko kakatapos niya lang ah? Bakit bumalik? Ano bang masama na tawagin ko siya sa pangalan niya? Ang gusto niya itawag ko sa kaniya? Negro? Oo kasi medyo moreno kasi siya. Hmmm Negrong Gwapo!

"Ano bang gusto mong itawag ko sa iyo ah?" sabi ko habang naka-cross arm ako at itinaas pa ang kilay ko sa kaniya harapan. Ayan, magtapang-tapangan ka Adrienne. I push mo yan. Kaya mo yan si Karlo. Wag kang papatalo.

"Wala akong pakialam. Ilibre mo ako ng lunch!" utos pa nito sa akin. Huh? Ililibre ko siya ng lunch? Yun lang ba? Baka gusto mo pati tuition fee mo ako na ang mag-babayad. Sabihin mo lang. obssesed ka na Adrienne!

"Bakit naman kita ililibre aber?" mataray kong sagot sa kaniya. Ang buong akala ko ay matitinag ko na siya, hindi parin. Ang tigas-tigas parin niya. Mas matigas pa siya sa bato. Ang hard mo Karlo.

"Nakalimutan mo na bang may utang ka sa akin?" saka ito ngumisi. Flash back.

Total bill niyo po mam ay... aaaaaaaaaaaaaaaahhhh hindi pwede! Ayaw ko nang balikan yung kahihiyan na iyon!

"AAAAAAAAAAAAAaaHHHH" sabay sigaw ko pa ng malakas. Tinakpan ni Karlo ang bibig ko.

"Bakit ka sumisigaw?" inis pang tanong nito sa akin. Magsasalita na sana ako, pero nakatakip yung kamay niya sa bibig ko, itinuro ko ito at dahan-dahang itinanggal sa aking bibig. Saka ako huminga ng malalim at nagsalita.

"Okay. Saan mo ba gusto?" saka na ako naglakad ng maayos. Pero deep inside kinikilig ako. Nasa likod mo yung kras mo? Sinusundan ka? Waaaaaaah HEAVEN!

"Ililibre mo rin pala ako eh. Akala ko mapupunta pa tayo sa puntong isusumbong pa kita sa Mommy mo na ang unica hija nila ay hindi nagbayad sa Convinient store." Nakuha mo pang mangblack mail ah? Kaasar! Kung hindi lang kita Kras baka matagal na kitang nabalibag.

"Wala akong pakialam, gusto mo samahan pa kita diyan eh." Babala ko pa sa kaniya. Kaunting tapang pa Adrienne. Matitinag mo na siya.

"Hmmm, matapang ka. Gusto ko ng mga katulad mo." Tama ba yung narinig ko? Gusto na niya ako? Wag kang assumera. Gusto niya yung mga katulad ng ugali mo. Tanga!

Malapit na kami sa loob ng cafeteria nang biglang tumakbo itong si Karlo at nakita ko nalang na nakatayo na ito sa isang lamesa. At nagsisigaw.

"Attention.... Attention... Everyone." Giit pa niya. Saka nakuha nito ang atensyon ng lahat ng mga kumakain, umuorder at mga naglalakad sa loob ng Cafeteria. Mapa-babae, lalake at mga lamang lupa nasa kaniya harapan. Para siya isang diyos na kapag nagsalita sa harapan. Kahit na walang sense ang sasabibihin nito ay handa parin silang makinig dito! Tsk.

Bigla siya tumitig sa akin. Ningitian ako nito. Kinilig naman ako. Hehe. Ngumiti din ako, isang ngiting ASO! Saka siya nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ang babaeng ito." Sabay turo sa akin. Oo ako iyun tinuturo ni Karlo. Kaya ang lahat ng mga nanlilisik na mga mata ay nasa akin. Yung para bang biglang nagkaroon ng spotlight sa aking gitna at kitang kita ako lahat ng mga tao! Ganern!

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon