KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 48
“Sa mundong ito, konti lang ang nagmamahal ng totoo. Kaya jackpot ka kapag inlove na ako sa iyo”
……………………………..
Karlo’s POV
Hawak hawak ko ang kamay ni Adrienne by this time totoo na talaga ang nararamdaman ko sa kanya. I don’t want to lose her kahit na alam ko na ano mang oras eh pwede ko syang iwan o pwede akong mawala sa kanya.
“sana sa panahon na iyon eh andito pa ako” alam ko hindi pa naiintindihan ni Adrienne yung gusto kong ipahiwatig sa kanya. Bakit pa kasi kelangan may ganitong eksena? Yung mahal na mahal ko na sya pero kelangan ko syang iwan kasi nga sasaktan ko lang sya kapag sobrang nahulog na sya sa akin dahil lang sa may sakit ako?.
Paano kung maging kami na nga? Tapos mahal ko na rin sya at ganun din sya sa akin. Tapos biglang mawala ako? Masasaktan ko lang sya. Magiging malungkot lang sya. At yun ang bagay na ayaw na ayaw kong mangyari sa kanya.
Umalis ako sa library na may tanong sa sarili. Kung dapat ko bang ituloy ang mga bagay na ginagawa ko?. Dito na kasi ako nagiging masaya. Yung kulitin. Paligayahin at pasayahin ang mundo ni Adrienne kahit na naiinis sya sa akin. Makita ko lang na nakangiti sya eh masaya na ako.
Ito na ba yung tinatawag nilang love?.
Inlove na ba talaga ako sa kanya?.
Before noong 1 year highschool ako may isang babaeng nag-bigay sa akin ng isang slumbook. Sagutan ko raw. I turn the page at may nakita ako sa doon sa isang portion na love. Na curios ako at binasa ko yung sagot ng ibang tao.
They say that love is like a rosary that full of mystery.
Love Is blind.
Love is to lie
Love is unexpected feelings to someone.
Love is magical.
Love is God.
Pero that time nakokornihan pa ako sa mga nababasa ko. Pero may isang sagot na syang tumatak sa isip ko.
“ang love ay parang tae, mahihirapan kang mailabas at kapag nailabas mo na. mahihirapan mo namang paglaruan.”
Napakameaningful ng sinabe ng taong iyon.
Compare ang love sa isang tae? Wow galing nya.
Pero para sa akin? Ang love ay apat na letra na ibig sabihin eh.
L- laging nasa tabi mo, tumawa ka man o umiyak hindi ako mawawala sa iyo.
O- oa na kung oa basta mahal kita period.
V- valentines day? Kahit araw-araw pa. liligawan kita mapakilig lang kita.
E- eh kasi nga mahal kita yun na. wala ng bawian ah?.
………………………………………
Pumunta ako sa doctor para magpacheck up. Nakakaramdam parin kasi ako ng kirot at paghapdi sa aking puso. Kasi nga ang pinaka-bawal na kelangan kong iwasan para sa aking sakit eh unti-unti ko ng ginagawa.
Ang mainlove.
Ang magbigay ng sobrang emosyon sa isang tao.
Ang magmahal katulad ng isang normal na tao na pwedeng masaktan.
Pero sa kasamaang palad. Eh pwede ko kasing ikamatay ito, oo nakakatawa pwede kang mamamatay dahil lang sa iibig ka? O umiibig ka? O nagmamahal ka? Eto na siguro yung nakakatawang kasabihan na siguro sa inyo ay hindi totoo pero nararamdaman ko na ito.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
JugendliteraturKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)