KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 12
“I’d Rather you be mean, than love and lies, I’d Rather hear the truth than have to say goodbye, I’d take a blow at least then I would know, but baby don’t you break my heart slow.”
-Don’t you break my heart slow-mymp-
Listen to this music breaks my heart. Bakit ba kasi may mga taong mahal mo na pero kelangan ka pa ring saktan?. O kung hindi naman nila sinasadya kang saktan, eh nangyayari parin kasi nakatadhana na raw?.
Shet kaaga-aga eh, ang drama, drama ko. Tumayo na ako sa higaan ko. Tumingin sa labas, ang ganda ng panahon. Nakangiti akong lumabas sa kwarto ko. After that dramatic scene happen yesterday now, I’m ready to face what I’ve done. Kelangan kong magsorry kay Karlo.
Pumunta ako sa kwarto nya.
Tok tok tok.
“karlo? Gising ka na ba?” pero walang sumagot. Dumaan si mommy, nakayuko ako noong napahinto sya sa at nakita ako na nasa kwarto ni karlo.
“ano? Gising na ba si karlo?” tanong ni mommy sa akin.
“hindi ko po alam, parang hindi pa po, hindi pa po kasi sya sumasagot sa tawag ko eh.”
Then nagdesisyon si mommy buksan yung pintuan. At laking gulat namin na. wala….wala si karlo sa kwarto.
Tumingin si mommy sa akin. At naging aligaga na.
…………………………………….
OPERATION PAGHAHANAP KAY KARLO
Tinawagan ko kaagad si gravity para samahan ako para hanapin si karlo. Hindi muna tinawagan ni mommy si tita Francine para hindi ito kabahan kung may masama bang nangyari sa anak. Ito naman kasi si karlo, na-ano lang ng konti eh bumigay na kaagad.
“oh? May nalaman ka bang impormasyon kay karlo?” tanong ko kay gravity.
“oo may kaibigan sya na nakatira sa may Makati, baka nandoon sya close friend raw nya yun kaya for sure nandoon yun.”
Pumunta naman kami doon sa Makati. Pero pagdating namin doon ay wala si karlo, almost 3 months na raw silang hindi nagkikita at nagkakausap ng kaibigan nyang si karlo sabi ni Benji. Kaya malungkot akong bumalik sa kotse.
“anong sabi?” tanong pa ni mommy sa akin.
Umiyak nalang ako sa kanya.
“Sorry ma. Sorry dahil sa akin umalis si karlo, sorry dahil masama ang ugali ko. Sorry po” wala akong ginawa kundi magsorry. Wala akong nagawa kundi umiyak.
Niyakap ako ni mommy. She comfort me,
“Don’t feel sosrry, it’s not your fault. Mahahanap natin si karlo, manalig ka lang ok?” sabi pa ni mommy sa akin.
Hanggang sa inabot na kami ng gabi. At hindi parin namin nahanap si karlo. Napagod narin si daddy sa kadadrive at kung sino-sino narin ang natanong namin, wala silang mabigay na magandang impormasyon. Kaya nag-blotter na kami at humingi ng tulong sa mga pulis.
Nasaan ka na karlo?
Nasa kwarto na ako ng oras na iyon. Nakahiga, nakakapagod pala ang maghanap ng isang taong nagtatago?. Ang isang taong ayaw magpahanap?. Biglang bumalik sa ala-ala ko ang mga panahon na kras ko pa si karlo at hindi yung taong pinaka-iinisan ko. Yung kontento na ako na Makita ko lang sya. Makitang nakangiti. Masaya, at masigla?. Yung kinikilig ako dumaan lang sya sa tabi ko.
Yung feeling na halos mahimatay ka na Makita mo lang sya. Pero bakit ngayon iba na? dati pangarap ko lang na makasama sya. Na kahit sana maging seatmate lang kami. Ok na Makita ko lang sya araw-araw ok na ok na. pero bakit ngayon na napaka-lapit na nya? Saka naman lumalayo ang loob ko sa kanya?.
Hanggang sa..
Arayyyyyyyyyyy. Anak ng putik. Tumingin ako sa labas ng bahay. At nanlaki ang mga mata ko. At hindi ko napansin na biglang tumulo ang luha ko. Biglaan yun ah?. In just a snap tumulo ang luha ko. Luha ng kasiyahan.
“karlo?” bumaba kaagad ako. At noong nasa baba na ako ng bahay. Nakati ko na nasa labas ng gate si karlo. Pinagbuksan ko sya ng gate.
“saan ka ba galing nag-aalala sila mommy sa iyo” sabi ko kay karlo.
Sabay niyakap nya ako.
Nanlaki ang mga mata ko. At niyakap ko na rin sya. Shet pagkakataon ko na itong mayakap ang kras ko.
Sabay lumabas na rin sila mommy at daddy. Bigla akong binitawan ni karlo sa pagyakap. Tumingin ito kanila mommy. Lumapit ito at nagsorry.
“sorry tita kung pinag-alala ko kayo.”
“sorry tito, hindi na po mauulit.” Tapos niyakap nila si karlo. Nasa simbahan lang raw the whole day si karlo at nagdasal sya, humingi raw sya ng tawad sa lahat ng mga bagay na nagawa nya. Pati yung masasama raw syempre. At humingi rin raw ito ng lakas at tapang ng loob para harapin ang mga problema at hindi na muling talikuran.
Masaya kaming nagdinner ng gabing iyon. Parang isang pamilya na talaga kami. At ako, ako ang pinakamasaya sa kanilang lahat. Hindi dahil sa bumalik si karlo, kundi naaccept ko na sa sarili ko napaka-swerte ko nga gaya ng sabi ni karlo sa akin dati at wala akong dapat ipag-alala na maagawanako ng atensyon dahil in my 14 years of existence sa mundong ito nandoon ang pamilya ko kumpleto at napakasaya.
………………………………..
12.45 am gising parin ako. Naisipan kong pumunta sa kwarto ni karlo. Hehe para guluhin sya.
Tok tok tok
“bukas yan.”
Binuksan ko yung pintuan. At pumasok na ako sa kwarto ni karlo.
“oh? Gising ka pa? ano na naman ang kelangan mo?” tanong pa nito sa akin. Tumabi ako sa higaan nya.
“pwede ba kitang tabihan?”
“ang manyak mo, hindi no baka ano pang-gawin mo sa akin”
“gago, ang berde mo, hindi na kaya kita kras”
“dapat lang, nakakahiya yung may nararamdaman ka pa sa akin, tapos magkasama tayo sa kwarto baka ano pang-mangyari hihi”
“ang manyak mo” nakangiting sabi ko sa kanya.
“kuya.”
“kuya?” pagtataka pa nya.
“pwede ba kitang tawagin kuya karlo?”
“hindi tayo magkapatid kaya no need.”
“eeeeeeeeeeeehh sige na.”
“hindi. Wala akong kapatid na ugaling dragona.”
“hmmm can you please stop calling me dragona?”
“ok. Ano bang gusto mong itawag ko sa iyo? Babes?, uy…kikiligin yan”
“adik. Baliw dyan ka na nga. Matutulog na ako BLEEE....bye” sabay lumabas na ako ng kwarto nya
“goodnite babes” narinig kong sabi nya. Nakangiti akong bumalik sa kwarto ko. Makakatulog na ako ng maayos nito.
He complete my day goodmornite kras ko.
……………………
#kumusta kras mo?
Ayun, nakita na namin ulit sya, actually hindi naming sya nakita. Kundi bumalik sya sa bahay at napakaya saya dahil ok na ulit kami. Kaming pamilya, now I accept the fact that he is now part of the family. Welcome bigbro.
PS. Uy narinig nyo yun? Tinawag nya akong babes?. Wew kilig matz
-Adrienne.
All Right Reserved 2013
Copyright By: Mervin Canta
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)