#ENTRY 15

2.9K 23 5
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 15

Kinabukasan.

“maaga akong uuwi kaya wag mo na akong antayin, kung makikipaglandian ka pa sa bench na yun bago ka umuwi, bahala ka, kapag nabuntis ka, bahala ka sa buhay mo at kapag namatay ka ipagdadasal nalang kita”

Hala sya? Ang aga-aga? Ano na naman ang problema nya?.

“ok. Bro.”

“wag mo akong tawagin bro. pang bakla yung itawag mo sa akin.hmmmmmm” si karlo na nag-iisip. Shet ang cute nya kapag tahimik at nag-iisip.

“never mind, wag mo na akong antayin”

“ok” simpleng sagot ko. Sabay naglakad na ako papasok sa classroom namin. Sinalubong naman ako ni bench na naghihintay sa harapan ng pintuan ng classroom.

“goodmorning my princess.” Princess? Ano bang trip ng lalakeng ito?. Araw-araw nakadrugs? Iba na yan pre.

Ngumiti lang ako saka pumasok na sa loob. Ibinaba ko yung bag ko at kunwari hindi ko pinapansin si bench.

“uy, may problema?, bakit hindi mo ako pinapansin?” nakapout si bench at parang pusang nagmamakaawa na pansinin, at pakainin o bigyan man lang ng isang malaking yakap para lang maging ok ito.

“ngumiti ako, pinansin kita hindi pa ba ok yun?”

“hindi”

“ano gusto mong gawin ko?”

“kiss me.” Sabay yung labi nya na kay pula ay nagpout at nakatutok sa mukha ko. Kahit ang gwapo nya eh nakakairita rin pala kapag umaarte sya nang-ganun.

“tigilan mo nga ako, papasok na si mam, umayos ka nga dyan.”

“hmmmm ok. Basta may utang kang kiss sa akin ah?” si bench sabay bumalik na sa kinauupuan nya, sa likod ko. Katabi ko kasi si gravity. Gusto ngang makipagpalitan ni bench kay gravity ng upuan. At kwento pa ng bestfriend ko, ililibre nya raw ito lagi ng lunch at ibibili ang ipad kung papayag iton lumipat ng upuan.

Adik?. Libreng lunch? At ipad? Ano pa ba ang kayang gawin ng lalakeng ito para lang mapalapit sa akin?. Gosh ang hirap hirap na..nahihirapan na ako. Ang hirap pala talagang maging maganda?. Help me guys.

Exam namin sa Chemistry. Sumasakit na talaga yung ulo ko sa kakaisip kung anong isasagot sa formulation na hindi ko naman maintindihan. Hays sana kasi nakinig nalang ako. O kaya nagkodigo nalang ako. Pero paano ako magkokodigo sa isang problemang mahirap solusyunan. Nauubos na ang buhok ko sa kakasambunot ko pero wala parin talaga akong masagot.

Hanggang sa.

“arayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy” biglang may sumigaw. Napatingin ako sa gilid ko. Si Gravity biglang sumigaw.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon