#TGFY 26

595 10 5
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 26

 

“Hindi lahat deserved ang salitang seconds chance, pero dahil Cute ka sige na nga. Pwede na”

…………………….

Adrienne’s POV

Nagulat si mommy noong hawak hawak ko yung kamay ni Bench habang hila-hila ito papasok sa loob ng bahay. Kaagad kong binitawan yung kamay ni Bench. Niyaya ni mommy si bench na samahan kami sa pagkain ng umagang iyon. At ewan ko ba naman kung anong pumasok sa utak ni mommy noong iniwan kaming dalawa nito’t saka umakyat sa itaas. So kaming dalawa nalang ni Bench ang nasa hapagkainan.

“Wag mo akong titigan ng ganyan hindi pa tayo bati” sabi ko sa kanya habang kumuha ako ng pinggan para sa kanya at nilagyan ito ng Fried Rice na syang niluto rin ni mommy at ang paborito kong Ham and Cheese Omelet.

“Thank you” sabi pa nya sa akin.

“Wag mong isipin na, ginagawa ko ito dahil okay na tayo?. Hindi pa tayo okay galit parin ako sa iyo” sabi ko pa sa kanya habang nakataas ang kaliwang kilay ko.

“Ang cute mo” sabi pa nya sa akin habang nakangiti. Pwede ba? Bench? Wag mo akong ngitian, yan ang weakness ko. Yang dimples mo, yang ngiti mo pwede?.

“Ang pangit mo” sagot ko naman sa kanya.

“Talaga?” sabay pogi pose.

“ihamhambalos ko itong serving spoon sa mukha mo, tigilan mo ako sa pagpapacute mo dahil hindi ka cute.” Hindi ka cute kasi Gwapo ka. Shete? Bakit ko ba sinasabe ito? Galit ako sa kanya. Galit ka sa kanya diba, niloko ka nya. Ginamit ka nya. Pinaglaruan ka nya.

After ng breakfast namin ay hindi parin umalis si Bench. Nagyaya itong manood ng sine pero dahil nga sa wala ako sa mood lumabas at mag-gala ay sinabe nitong manood nalang kami ng DvD.  Kaagad syang pumunta sa may Entertainment room namin. Joke! Sa may sala lang pala, wala kaming Entertainment room di gaya nila Bench, namili sya ng DvD na syang gusto nyang panoorin. Actually napanood ko lahat ng mga dvd na yan kaya bahala sya kung anong gusto nyang panoorin.

“Let’s watch this one” sabay taas pa ni Bench ng Dvding napili nya. Napatingin ako sa hawak nyang DvD. That’s one of my favorite movie. I GIVE MY FIRST LOVE TO YOU.  Nakakaiyak ang palabas na yan. Pero bakit parang si karlo ang naalala ko sa twing pinapanood ko ito?. Wala na akong nagawa yung sinalang na ni Bench yung DvD. Umupo na ito sa couch, ay mali sa ibaba. Ewan ko ba sa taong ito. Feeling Close, feeling kapamilya. Kung makaupo ay kala mo hindi bisita. Feel at home?. Habang nagsisimula yung palabas ay nagluto ako ng pop  corn. After few minutes meron na kaagad instant pop corn. Ngek! Eh ang dali naman talagang lutuin nyun eh. Tapos binudburan ko ng Cheese Powder favorite ko kasi yung flavor na cheese then umupo ako sa tabi nya.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon