#TGFY 30

560 8 2
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 30

“Everything I do, I do it for you”

…………………..

Adrienne’s POV

                Lumipas ang isang buwan. Okay na ako, kasama ko ngayon si mommy. Nasa harapan kami ng bahay ng sinasabe nyang tunay kong ama. Kinakabahan ako, ni hindi ko alam kung paano ko sya haharapin, kung anong masasabi ko sa kanya. Kung ano ang dapat kong ikilos o gawin. Wala akong ideya. Hawak hawak ni mommy yung kamay ko, saka nito pinisil ang aking pisngi. Na para bang pinaparamdam nya sa akin na wag akong kabahan. Na just be myself at nandito lang sya sa tabi ko the whole day. Na hindi nya ako iiwan. Saka nito inilapit ang kamay nito sa may doorbell at pinindot ito.

Ding-dong. Tunog ng doorbell ng bahay ng pamilya Santos. May lumabas na isang dalaga, at nasabi na sa akin ni mommy na may mga anak na raw itong tunay kong ama sa pangalawa nitong asawa. Saka kami nito pinapasok. Nakangiti itong sinalubong ako at itinuro kung saan kami pwedeng mag-antay. Malaki ang bahay nila, halatang may kaya sila. Hanggang sa may 2 batang lalake ang lumapit sa amin. Kinuha pa nila  ang kanang kamay ni mommy at nagmano dito. Napawow ako, pero hindi ko pinahalata. Well respected sila  ah? Maganda ang pagpapalaki sa kanila. Ang gagwapo din nila. Kahawig ko pa yung isang lalake, hindi mapagkakaila na kapatid ko nga sila.sumunod na lumabas ay isang medyo maliit na babae na buntis, nakahawak ito sa kanyang tyan habang akbay-akbay naman ito at inaalalayan ng isang medyo matanda ng lalake na nakashort ng oras na iyon. Clean cut ang buhok. Medyo makapal ang kilay. Nakakatakot ang mukha, I mean sya yung talagang father figure. Yung unang tingin mo palang masisindak ka na. maganda ang tindig ng katawan. Halatang isang alagad ng bayan. Isang pulis nga sabi ni mommy.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Saka bahagyang lumapit ang lalake sa akin. “Sya na ba?” tanong nito kay mommy. Tumango si mommy saka muling ibinalik ang tingin sa akin. At sabay hawi pa ng buhok ko, na medyo nagkalat sa aking mukha ng mga minutong iyon. Inilaan sa akin ng lalakeng ito ang kanyang kamay upang makipag-shake hands. At para ipakilala ang sarili nito sa akin. “”Ako si James, james Santos. Ang…” hindi na nyang pinagpatuloy pa ang pagsasalita dahil sa ako na ang unang nagsalita bago pa man nya tapusin yung gusto nyang sabihin. “Ang daddy ko?. Alam ko na yun. Nice family huh?. Maganda ang pag-papalaki mo sa mga anak mo. Maganda ang mag ugali nila, well respected at mukhang may takot sa iyo.” Sabi ko sa kanya diretso sa kanyang mga mata. Hindi ko kayang makipagplastikan at makipagbeso-beso sa kanila. Galit ako. At normal lang sa isang galit na maglabas ng damdamin nito. Padabog akong lumabas ng bahay at naisipan kong umupo sa may mini Garden nila na kung saan ay may upuang yari sa semento.

Nang biglang may lumapit sa aking harapan. Yung babaeng naghatid sa amin sa loob ng bahay. Mukhang sya yung panganay sa mga anak ng ama ko kuno?. “Adrienne Right?” tanong pa nito sa akin. Hindi ko sya pinansin pero kaagad itong umupo sa tabi ko. Narinig ko pang huminga ito ng malalim bago ito muling magsalita.

“Alam mo, matagal ka ng gustong Makita ni Daddy. Marami syang kinikwento sa iyo, na may isa raw syang anak dati sa dati nyang kasintahan ang hindi nya nabigyan ng atensyon na syang nagagawa nya sa amin ngayon. Yung pagmamahal na ibinibigay nya sa amin. Hindi mo naramdaman, at alam ko na may pinagdadaanan ka ngayon. Pero hindi naman ata tama yung ginawa mo kanina”

 ang babaeng ito parang madre kung makipag-usap. Napaka-mahinahon. Nakakairita, pero hindi ko parin siya sinagot.

“Alam mo, dapat hindi ka nagtatanim ng galit sa isang tao. Alam mo ba na kapag ginawa mo iyon. Mababawasan ang bilang ng buhay mo?. Scientific states that.” I paused her to her nonsense speech about me.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon