#ENTRY 1

5.8K 65 18
                                    

Kabanata 1

Sa sobrang sakit nang ulo ko, mukhang nagka-lagas lagas ata ang utak ko sa loob nito. Nadislocate yung ibang cells, nagkagulo at umabot ito hanggang sa puso ko. Ang sakit. Hanggang ngayon masakit parin. Matagal ko nang alam, ilang beses narin sinabe sa akin ni Gravity na wag na. tama na. masasaktan lang ako. Pero hindi ako nakinig sa kaniya. Gusto kong mapansin ni Karlo, pero hindi sa ganitong paraan. Okay naman ako na lagi ko siya palihim na tinitignan, yung dadaan siya sa harapan ko, tapos kapag nakita kong papalapit siya sa akin, ako itong tatakbo palayo upang hindi kami magka-tagpo dahil sa nahihiya ako. Hindi sa nahihiya ako sa sarili ko, biniyayaan din naman ako nang ganda ng mga magulang ko. Pero kulang lang siguro ako sa confidence at tiwala sa sarili. Pero maganda talaga ako, I claimed it.

Maraming nakapila sa labas ng School Clinic. Naisipan ko kasing dumaan doon at magpa-konsulta sa School nurse at sabihin dito na naumpog ako ang ulo ko sa isang matigas na bagay, isang soccer ball. Ayokong dumiretso sa hospital, baka kasi mag-alala si Mommy at bigla nalang siya tumambling papunta dito sa school. I know na marami pang mas importanteng ginagawa si Mommy para sa isang ganitong hindi gaanong importanteng pangyayari sa buhay ko.

Ang hard talaga ng pila sa labas palang ng School Clinic. Aakalain mo na nasa Audition ka ng PBB o sa Wowowee, o di kaya may rasyon ng bigas ang NFA. Ganun kahaba ang pila, dinaig ang Sinehan sa sobrang haba. BlockBuster!

"Si Karlo raw nasa loob?"

"Yung Gwapo?"

"Yung sikat? Yung Campus Crush?"

"Ehhh, Crush ko rin yun eh ang yummy kaya niya"

"Yeah, IKR!"

Sabi ko na nga ba eh. Kung hindi si Simon, si Karlo ang dahilan nang pagkakagulo ng mundo ng mga babaeng ito. Daig pa nila ang isang bulate kapag nilagyan ng asin sa pagkandirit at kakasigaw na siya nakakarindi sa tenga. Oo kinikilig din ako kapag palapit o lalapit si Karlo sa akin, tapos dadaanan lang ako. Pero tinatago ko lang sa loob ko yung kilig, kumbaga sinasarili ko lang yung kilig na nararamdaman ko. Hindi ko na kelangang ipagsigawan na ayyyyyyyyyyy. Dinaanan ako ng Kras ko. Buwisit!

Bigla akong nakaramdaman ng hilo. At yung paningin ko sa dami ng taong nasa harap ko ay mas lalo pang dumarami, parang dumudoble sila. Idagdag mo pa yung sikat ng araw na siya nagpapadagdag sa pagkahilo ko nang oras na iyon.

"Miss nagdurugo yung ilong mo" ano raw? Dumudugo yung ilong ko? Oo nagdurugo ang puso ko dahil sa mga narinig ko sa kras ko, pero ano raw? Pati yung ilong ko nagdurugo? Kelangan ko ng napkin, este paniyo na siya gagamitin ko sa pagpunas sa ilong ko na-naglalabas ng dugo. Pero noong kukuha na sana ako ng paniyo sa aking bulsa, bigla nalang ako nakaramdam ng ngalay sa aking dalawang paa. At....bumagsak na ako sa sahig.

Noong muli kong imulat ang mga mata ko. Bakit parang ang puros kulay puti ang siya nakikita nang dalawa kong mga mata. Ito na ba yung sinasabe nilang langit? Kung nasa langit na ako? Bakit parang ang ingay-ingay naman sa langit? May mga nagtatawanan? Ah? Ano yung naririnig ko? Bakit parang may nagmumura? Tangna pare, buhay ka pa pala? At noong mas iminulat ko pa nang husto ang mga mata ko. Wala pala ako sa langit. Hindi ko pa pala oras para Mamatay. May mga bagay pa ako sa mundong ibabaw na hindi ko pa nagagawa. Ni hindi ko pa nga nasasabi na gusto ko si Karlo. At gusto kong patunayan sa lahat na hindi talaga masama ang ugali niya. Na may mabuting puso din ang isang katulad niya at yung ang pilit kong hinahanap, pero ang hirap eh. Ang hirap nitong makita. Masiyado siya misteryoso.

Isang malaking kurtina na kulay puti ang bigla nalang bumukas at isang magandang naka-suot na uniform ng isang nurse ang lumapit sa akin. May hawak itong papel na mukhang alam ko ang nilalaman. Siguro ito na yung resulta ng check-up sa akin ng school doctor namin sa paaralan. Kinakabahan ako, kumakalabog na yung kaba sa loob ng dibdib ko, na umaabot hanggang sa tiyan ko. Oo tama. Hindi pa pala ako naglulunch, inubos ko na naman kasi yung freetime ko sa panonood ng practice ni Karlo. Ayan tuloy natamaan ng bola. Do I deserved this?

Lumapit nang bahagya ang School Nurse na may ngiti sa mga labi nito. "Are you okay?" tanong pa nito sa akin. Inunat ko ang mga paa ko, pati narin ang buong katawan ko, medyo mabigat parin ang pakiramdaman ko. Pero okay na ako. "Medyo po" mahinang sagot ko. Pero mukhang hindi niya ata ako narinig kasi sa sobrang lakas nang tawanan ng mga tao sa kabilang kwarto.

"Tsk! Akala mo artista. Kung makapag-alala naman yung mga tao sa labas, akala mo si Daniel Padilla yung na-confine" bitter na sabi ni ate Nurse. Saka siya lumapit sa akin nang husto.

"Adrienne right? Since okay ka na maari ka nang makalabas ng Clinic, pero kung nakakaramdam ka ng mga pagkahilong muli maaari ka nang magpasama sa parents mo sa hospital. Base kasi sa CT Scan namin sa ulo mo. Wala namang naapektuhang sa utak mo, medyo nahihilo ka lang dahil sa pagkabagok ng isang bagay na matigas sa ulo mo, at yung pagdurugo ng ilong mo ay walang kinalaman sa pagkahilo mo, masiyadong mainit at malamig ang panahon ngayon, climate change will more susceptible to bleeding. Alright? May tanong ka pa ba?" wow, para akong nakikinig sa isang lesson nang isang guro. Ang galing niya magturo, hindi sa kaniya bagay ang maging isang School Nurse lang. bagay sa kaniya ang maging isang Biology Teacher. Dahil, ang galing-galing niya magturo, para lang kayong nag-uusap nang maayos.

"Opo" mahina ulit na sagot ko. Habang nakayuko yung ulo ko.

"Ano yun? Makikinig ako" she lend me her ear, her ear that willing to hear the question that rants in my mind.

"May gamot po ba sa pagiging tanga?" seryosong tanong ko. Inantay kong tumawa siya o ihampas niya man lang sa akin yung papel na hawak-hawak niya bago niya ako palabasin ng kwartong iyon. Pero mali ako sa inakala ko. Tumabi siya sa paanan ko. Saka inayos ang mga buhok kong nagkagulo sa mukha ko. Inilagay pa niya ito sa gilid ng kanang tenga ko saka muli ako nitong binigyan ng isang magandang ngiti.

"Sa pagiging tanga?" ulit pa nitong sabi. Saka humugot nang hininga.

"Wala, normal lang siguro na maging tanga ang isang tao. Lahat nga siguro nang tao nagiging tanga, depende sa sitwasyon. At sa sitwasyon mo. Alam ko ang gusto mong ipunto, sa pag-ibig diba?" umiling ako sa sinabe niya.

"Kitam? Hmmm, let's put in this way. May boyfriend ka?"

"Wala po"

"Crush?"

"Meron po, isa lang yung lalakeng gusto ko at sa tingin ko hindi lang ako ang nag-iisang nagkakagusto sa kaniya, sa totoo lang po marami sila at mukhang karamihan sa kanila di hamak na mas maganda at sexy kesa sa akin, mas malakas ang loob at matapang di katulad ko." Pagbababa ko pa sa sarili ko. Tama naman ang sinabe ko eh, malakas lang ang loob kong asarin ang bestfriend kong si Gravity na mabaho ang hininga nito, dahil sa totoo naman talaga yun. Pero, kahit na ganun siya ay mahal na mahal ko siya. Bestfriend ko nga eh diba?

"Okay, ganito nalang. Minsan kasi, we need to limit ourselves sa nararamdaman natin sa isang tao. Para hindi tayo masaktan. Kung yung isang tao ay crush mo. Hmmm imbis na lagi mo siya binabatayan, bakit hindi mo nalang siya gawing inspiration. Since other term for crush is inspiration, naMamahanga ka sa kung anong meron siya. It may be physical, or anything that you likes about him, gamitin mo yun bilang inspiration. Para balang araw, kung magtatagpo muli kayo edi you are well prepared. Kilala mo na ang sarili mo, may confident ka na sa bawat galaw at salitang inilalabas mo sa bibig mo at higit sa lahat don't forget to always pray, because praying is the more powerful than post card." Hindi lang siya maganda, ang tali-talino niya pa magsalita. Nakakatuwa naman siya. Sana paglaki ko, I mean kapag gusto ko manging katulad niya ang lakas ng tiwala sa sarili.

"Mukhang napapahaba na yung pagpepetiks ko. Hehe, iiwanan na muna kita ah? Sige magpahinga ka muna diyan. If you need something, just tell me nasa kabilang kwarto lang ako." Saka siya tumayo at tuluyan nang lumabas ng kwarto. Kahit papaano naintindihan ko na ang ibig sabihin ng kras. Hindi pala ito yung bigla-bigla mo nalang magugustuhan yung isang tao, may bagay ka siguro nagugustuhan sa kaniya. Tama si Ate Nurse. Kelangang kong ayusin muna ang sarili ko, since yun naman talaga ang purpose ko kung bakit ako nag-aaral ngayon. Ang pagbutihin ang pag-aaral ko. Maraming pera ang nasasayang nang pamilya ko and I know that hindi nila worth it na makita na mababa ang mga grades ko. Gawin ko raw inspiration ang taong nagugustuhan ko. Salamat Ate Nurse. Hmmm nakalimutan kong tanungin ang pangalan niya, Mamaya nalang siguro.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon