#ENTRY 39

2.3K 19 2
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 39

“Real Men Don’t Date the most beautiful girl in the world. They date the girl who makes their world the most beautiful.”

………………………………       

Adrienne’s POV

DATE? Date bang maitatawag ito? O kalokohan?. Oo kalokohan na naman ito ni Trixie, nagyaya kasi si Bench actually after class sabi nito na bukas eh magkakaroon raw kami ng Group Date. Actually this is my first time na makakasama sa isang date. I don’t even know kung anong nangyayari sa isang date? Kung mag-sesex na ba kayo o kelangan mo munang bumili ng condom or what?. Syempre joke lang iyon.

Sa isang mall kami nagkita-kita. Hehe medyo late ako dumating kasi hindi available si kuya driver namin kasi ipinagdrive nito si mommy papuntang palengke speaking of mommy kasama nito si tita Francine at super close na talaga ang dalawa they like sister na.

“nasaan ka na?” text pa sa akin ni karlo.

“nasa puso mo” sagot ko pa sa kanya actually na sa mrt na ako on the way na ako sa usapan namin. i mean sa date namin....ooooppppps group date nga eh diba?.

“kaya pala ang sakit ng puso ko, may putragis na nakabara dito”

“oo sinadya ko yun para mamatay ka na” sagot ko.

Leche….akala mo kung sino hays.

Kasalanan ko bang traffic sa mrt? Hehe joke lang, yung jeep kasi na sinakyan ko eh kabadtrip pagkatapos punuin at mag-mukhang sardinas yung jeep eh at ang babaho pa ng mga tao sa loob. No offensement kay ate na katabi ko ah?, ambaho na nga ng hininga mas mabaho pa sa hininga ni Gravity. Sorry bestfriend. Tapos amoy baktol pa….haha research nyo nalang kung ano yung baktol.

Baktol yun yung ginagamit para patayin yung mga lamok baktol (insert tawa).

At sa wakas pagkatapos ng hundred and 1000 years. Eh nakarating narin ako sa sm north Edsa. O diba? From laguna eh nakarating ako ng north edsa ng ako lang mag-isa?.

At sa starbucks ko nakita sila Bench na nakaupo doon sa isang upuan na may space siguro para sa akin yun. Tapos si karlo at yung bruhang mukhang palaka na si Trixie.

“hi guys” bati ko pa sa lahat, na para bang hindi ako late.

“oh? Bakit parang ang aga nyo naman”

Sumabat itong palaka. i was reffering to Trixie.

“tanga….sobrang late lang kami kaya kami nandito, well buti dumating ka na? we planned to cancel this date kung hindi ka pa dumating”

“eh sino ba naman kasi ang nagplano na dito tayo magdate? Pwede naman sa laguna nalang, marami namang mga mall doon? Sm Sta. Rosa mas  malapit mas maliit, walking distance pa”

“ang cheap mo talaga, alam kong mahirap kayo pero hello? Mayaman kami tapos doon mo lang kami papapuntahin? Baka maholdap pa kami doon”

“yuck? Mayaman? Tapos maholdap? Hindi ba pwedeng? Kidnapped? Para may ransom?”

Pinigilan kami ni bench sa maagang pagbabangayan namin ni trixie. We just miss each other lang kayo naman.

“ pwede bang wag kayong mag-ayaw sa buong araw ng date natin ok? Paano tayo magiging Masaya kung palagi kayong nagbabangayan”

“kasi sya eh”

“ikaw kasi eh”

“you start the fight” sabi pa ni Trix.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon