KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 47
“Hindi mo naman kelangan sabihing mahal mo ako. Makita lang kita nakangiti sapat na para makumpleto ang araw ko.”
……………………………..
Adrienne’s POV
“hmmm hindi mo sinabe na kapitbahay mo pala si karlo?”
Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maiwasang hindi mapatangin kay Karlo ng oras na iyon. Iniiwasan ko syang tignan para hindi kami mahalata ni Bench.
Ngumiti ako kay karlo sabay tingin kay bench.
“ahhhh..” napakamot pa ako ng ulo akala mo talaga nag-iisip. Pero gusto ko sanang magdahilan pero masyadong matalino si bench kaya alam kong mahahalata nyang nagsisinungaling lang ako.
……………
Nasa loob na kami ng room ng ibinaba ni bench ang gamit ko. Nag-insist kasi sya na buhatin ang mga dala kong gamit kahit na ayaw ko kasi nakakahiya naman sa kanya.
Tahimik parin ako ng oras na iyon. Nahihiya akong tignan si bench sa mga mata nya kasi nahihiya ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko nararamdaman itong bagay na ito.
At ito ay napansin ni bench.
“kanina ka pa tahimik sa loob ng kotse ah? Hindi ka ba kumportable na katabi si Karlo?”
Tanong pa ni bench sa akin habang ibinaba na nito yung gamit ko sa upuan ko. Nakatayo parin ako ng oras na iyon tumingin na ako sa mga mata nya na maraming katanungan na ng mga oras na iyon. Hindi ko kayang magsinungaling kay bench kaya aamin na ako.
“sorry bench, sorry kung hindi ko nasabi na kapitbahay ko si karlo.”
“you don’t need to say sorry, eh ano naman kung magkapitbahay kayo?” hinawakan ni bench yung kamay ko saka tumingin sa mga mata ko.
Ang lamig ng kamay ni bench ng mga oras na iyon. Pinagpapawisan sya ng hindi ko maintindihan. Hindi sya nakangiti, pero hindi rin sya mukhang seryoso. Pero alam kong marami syang gustong itanong sa akin, at siguro pati rin kay karlo at sa aming dalawa.
“basta ba….hindi sya yung taong nagpapagulo sa isip mo?” nawala yung ngiti sa labi ni bench.
“bench naman, hindi…..hindi sya yun. Ibang tao yung nagpapagulo ng isip ko. At ngayon hindi ko na sya pinoproblema. Ayaw ko na ng problema bench. Napakabata ko pa para seryosohin yung mga ganun bagay I want to enjoy my teenage life. Yung walang gaanong stress, at kung ma s-stress man ako eh yung ay tungkol sa mga subjects ko sa school hindi sa isang tao o kanino man ok?”
Hindi na bumalik yung ngiti sa labi ni bench. Hanggang sa bumalik na ito sa kinauupuan nya. Kasasabi ko palang na hindi ako magsisinungaling sa kanya pero bakit ko itinago na pati si karlo eh pinayagan kong manligaw sa akin?. Shocks gulo ito. Gulo talaga itong pinasok ko.
Ayaw ko ng stress??? Pero ngayon palang na-s-stress na ako.
Nasa library ako ng may biglang bumatok sa akin likuran.
“arayyyyy” napalingon ako sa likuran ko at tama ang hinala ako kung sino ang gumawa sa akin ng walang magawang pagbati ng ganung bagay…si karlo.
Hinampas ko sya. Pero kahit na gusto ko syang murahin at sigawan sa loob ng library hindi ko magawa kasi nga nasa loob kami ng library.
“aba? Mukhang napapatambay ka na dito ah? Dati sa mall ka tumatambay ngayon sa library na. magandang improvements yan Apem.”
“you shut up. Ano bang kelangan mo?”
![](https://img.wattpad.com/cover/7759787-288-k329471.jpg)
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)