#TGFY 34

460 6 1
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

 

#TGFY 34

“Masaya siya sa piling ng iba, kelangan ko rin bang maging masaya, para sa kanya?”

…….

Adrienne’s POV

                Luhaan akong umuwi sa bahay. At noong dumating ako sa bahay ay may isang nakangiting taong kanina pa raw nag-aantay sa akin. Lumapit ako sa kanya.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay karlo.

“Inaantay ka!” matipid nitong sagot. Napatingin ako kay tita France at kay mommy na katabi nito ng mga minutong iyon.

“Iiwanan ko muna kayong dalawa” sabi nito sa aming dalawa, sa labas ng bahay ay pina-ikot-ikot ko si Karlo habang nakaupo ito sa wheelChair.

“Mabait ba ako?” tanong nito. Saka bigla akong napangisi.

“Ikaw? Mabait? Parang hindi naman” sabi ko, saka kaagad kong tinakpan ang aking bibig upang pigilan ko ang sarili ko sa pagtawa.

“Anong nakakatawa?” biglang tanong niya.

“Sa totoo lang, hindi ka mabait!, sobrang bait mo pa nga eh. Ikaw yung laging pumuprotekta sa akin sa tuwing may gustong umaway sa akin. Ikaw yung knight ang shining shimmering Armor ko.” Nakangiting sabi ko sa kanya.

“Talaga? Ganun talaga tayo ka-close sa isa’t isa?” nalulungkot talaga ako sa tuwing sinasabe niya na hindi niya natatandaan ang lahat, naiiyak na naman ako, pero kelangan kong pigilan. Kelangan kong maging matatag para sa kanya.

“Oo” sabay pisil ko ng matangos nitong ilong. Nagkatitigan kaming dalawa.

Nakatitig lang siya sa mga mata ko at ganun din ako sa kanya. Ang ganda parin talaga pag-masdan ng kulay brown niyang mga mata.

“Nagkagusto ka na ba sa akin dati?” bigla niyang tanong. Namula ang mukha ko, at iniwas ko ang pagtitig ko sa kanya.

“Ah? Eh?, uhm…” sabi ko na nauutal.

“Sa tingin ko? Hindi!, kasi hindi ikaw yung babaeng sa tingin ko ay dapat saktan ng isang tulad ko!” biglang sinabe niya. Huh? Bakit parang may mga tanong ako sa sarili ko? May naalala na kaya siya?

“Huh?” reaksyon ko, tapos bigla akong lumingon sa kanya.

“Wala!, sige kwentuhan mo pa ako tungkol sa buhay ko noon” nagkibit balikat nalang ako sa nangyari. At nagpatuloy pa ako sa kwento sa kanya.

……

Kinabukasan, ay wala akong ginawa buong araw. Wala kasi akong pasok ng araw na ito. At hindi naman ako pala-labas na tao, o party goer. School at bahay lang ako, minsan lumalabas kami ni karlo, pero kelangan kasama ko siya kapag lumabas kami, kung hindi, hindi na ako sasama.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon