#ENTRY 68

1.5K 31 28
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

A/N: sobrang saya ako kasi everyday may update ako at everyday nakikita ko yung pagtaas ng  reads ng kwento ko. at natutuwa akong marami ng nagkakainterest sa kwento ko. 

marami na ring nag-fofollow sa akin. thank you po:P

at marami narin naglalikes at pati yung ibang silent reader eh napapacomment narin. (kaya mag-comment narin kayo)

and i can't believe aabot ito ng ganito kabaha. siguro sa mga spaces? ahha pero hindi rin eh. sobrang inspired kasi ako sa takbo ng kwento pati ako fan ako ng kwentong ako mismo ang gumagawa. 

sana magustuhan nyo ang chapter na ito. ang masasabi ko lang eh. ihanda nyo na yung panyo nyo dahil iiyak kayo. weeehh??? di nga

xoxo

wackymervin

#ENTRY 68

“Paligayahin mo sya hanggang nasa piling mo pa sya. Gawin mo ang lahat ng mga bagay na pwedeng magpasaya sa kanya. Dahil hindi natin alam kung hanggang kelan nalang tayo na pwedeng makasama sya. Baka bukas Time’s up na. tapos hindi mo pa sya napapasaya?. Kawawa naman sya. Kaya’t hangga’t may oras pa, gumawa ng effort at pasayahin sya to the fullest”.

-Karlo

……………………………

Nagising nalang ako na nasa loob na ako ng isang kwarto.

At laking gulat ko na iyong kwartong iyon ay ang kwarto namin ni karlo.

Biglang tumunog yung phone ko. Kaagad ko itong kinuha sa loob ng bulsa ng pantalon ko.

At si karlo ang tumatawag dito.

Sinagot ko yung tawag nya. “saan ka ba galing?” galit na tanong ko pa kay karlo. Pero hindi sya nasagot, umiiyak na ako ng oras na iyon kasi akala ko ay nawala na sya. Sobra akong kinabahan kasi bigla nalang syang nawala.

Tapos pagkagising ko ay nasa kwarto ako bigla. Pero sino yung lalakeng sumusunod sa akin dito?. At paano ako napunta sa kwartong ito?. Pagkalipas ng ilang tanong ko kay Karlo na walang ginawa kundi pakinggan yung pagsasalita ko eh. Nagsalita narin ito.

“tumingin ka sa bintana” napatingin ako sa bintana. May kurtina na nakaharang kaya inayos ko muna ito.

“oh? Anong meron?” medyo galit ko pang tanong sa kanya. Kasi wala naman akong ibang Makita kundi yung dagat.

At narinig ko syang nagbilang…. 1….2….3. at bigla nalang may narinig akong isang malakas na sumabog.

At nagkaroon ng ilaw ang kalangitan.

Iba’t ibang ilaw ang lumabas sa dagat ng oras na iyon.

“happy birthday” mensahe ng firesworks na iyon sa akin.

Saka narinig ko ulit na nagsalita si Karlo. “bumaba ka na bilis” utos pa nito sa akin. Madalian akong bumaba galing sa kwarto. Muntik pa nga akong madapa dahil may nakaharang na upuan sa may malapit sa hagdanan sa baba.

At noong malapit na ako sa pool side. Mabilis din akong tumakbo papunta sa labas hanggang sa makarating ako sa Dalampasigan.

Namangha ang mga mata ko sa mga nakikita ko. Nandoon ang lahat ng staff ng Resort. At may maliit na stage sa may bandang gilid. Kung saan nakaupo yung mga staff ng resort na ito. Dahan dahan akong lumapit ng biglang may magsalita.

“nandito na ang birthday Celebrant” sigaw pa ni karlo na hawak hawak ang mikropono.

Kinungratulate pa ako ng tao sa paligid. Halos mangiyak ngiyak na ako sa sobrang saya.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon