#ENTRY 27

2.6K 21 7
                                        

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 27

ADRIENNE’S POV

INFAIRNES to me, nakakasagot na ako sa mga tanong ng mga teacher ko at sobrang hanga nga ang ibang classmates ko na hindi makapaniwala na nakakasagot na ako sa mga recitations, quizzes and most especially napapasa ko na yung mga exams ko.

Last week nalang ng Tutorial Lesson namin ni karlo, hmmm infairness to him she’s been very sweet and super supportive sa akin this past few weeks, kahit na eh sobrang mainitin parin ang ulo nito, at higit sa lahat eh hindi kami minsan nagkakaintindihan, na mas marami pa yung pag-aaway namin kesa sa nag-uusap kami ng maayos eh ok na atleast ok kaming dalawa.

Napapansin narin ni Gravity at Bench na parang gumaling na nga ako sa Academics, natutuwa ako kasi first time ito, na kaya ko pala talaga, yung feeling na ang hirap lang isipin na makakapasa ako sa mga subjects ko, mahahabol ko pa yung mga bagsak kong subjects?, na kaya ko pala…(Teary Eye)

Natutuwa lang ako, sorry ah? Kung medyo madrama. Pero kasi ibang kasiyahan para yung feeling kapag may napatunay ka sa sarili mo, oo matutuwa yung parents ko kapag nakita nila na umaayos na yung mga numbers sa report card ko, pero yung satisfaction na nakuha ko? Iba yun eh. Sobra akong na satisfied sa ginawa ko kahit saglit lang iyon kaya sobrang thankful ako kay karlo for doing this to me. Marami akong natutunan hindi lang  sa mga subjects na iyon kundi sa totoong buhay.

Na kelangan nating magtyaga, mag-inat, ng katawan at kumilos para may mangyari ang dapat mangyari, dahil hindi magiging totoo ang isang bagay kung iisipin mo lang ito, you should need to make a move on your own. Oha English yan…wala akong pakialam kung wrong grammar atleast naiintindihan nyo yung though. Oha.

Makikipagkita  ako kay Karlo sa rooftop ng school for the last time. Oo last time na kasi naming magkikita, wag kayong ewan…walang mamamatay, hindi ako mawawala, hindi rin mamamatay si karlo.

Last na namin itong magkikita ibig sabihin eh, yung pagkikita namin at yung lihim naming pagkikita yun lang yun. Syemper hindi naman kami magkaibigan tapos yun din ang alam ng buong school, kilala nyo naman ang prince charming ng mga mukhang ipis na iyon diba? Eh alam nila na hindi kami magkakilala ni karlo, tapos yun din ang alam ni bench, syempre ayaw kong isipin nito na sinabe ko na hind kami close, o magkakilala tapos malalama naman nito na nakatira pala si karlo sa bahay namin at nagsasama kami…nagsasama kami sa iisang bahay.

Naunang dumating si karlo, nakatingin ito sa langit, tahimik ito, as usual. Lumapit ako dahan dahan akong tumabi sa kanya. Tumingin ako sa mga mata nya. Saka naman ito tumingin sa akin.

“kanina ka pa ba dyan?” tanong ni karlo sa akin. Hindi sya sumigaw. Hindi nanlilisik yung mata nya, hindi nya ako inirapan, hindi nya ako minura, mahina ang boses, tahimik at higit sa lahat kalmadong karlo ang nasa harapan ko ngayon.

“hmmmm hindi, kadarating ko palang,” sagot ko. Bakit ba ang tahimik nya? Sorry hindi ako sanay tsk

“Apem”

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon