#TGFY 7

923 15 4
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 7

“Madaling mahulog sa isang taong magaganda ang ipinapakitang ugali, lalong lalo na madaling mahulog sa isang taong, may effort at sincere sa kanyang mga ginagawa”

-Adrienne.

…………………………..

Adrienne’s POV

hanggang sa school ay iniiwasan parin ako ni karlo. ok na rin yun para matigil na yung issue sa aming dalawa. pero parang ibang issue naman ang umuusbong sa aming paaralan.

#BenchLovesAdrienne

papasok palang ako ng gate ng aming paaralan ng may lalakeng nag-abot sa aking isang sulat.

pagkatapos nyang iabot yung sulat ay kaagad itong tumakbo.

binuksan ko yung sulat, at binasang maigi yung nilalaman nito.

pumunta ka sa cafeteria doon mo makikita ang susunod na clue. clue? ano to? amazing race?. sino na namang gago ang nangbabadtrip sa akin ng kaaga-aga. inisip ko sila Ayris o si Trixie lang ito pero parang wala naman silang ganitong ginagawang bagay sa akin. kaya pumunta nalang ako sa cafeteria at yung tindera ang nagbigay ng pangalawang clue.

natuwa naman ako sa mga sumunod na clue. yung sa may library ko makikita yung susunod na clue nakalagay sa isang shelve ng science section yung next clue. at madali ko itong nakita. ibiniuklat ko yung isang libro at nakita ko nga yung sumunod na clue.

nakakatuwang isipin na buong oras ko ay nakangiti ako dahil para syang isang puzzle na kapag nabuo mo ay may mabubuong message dito.

hanggang sa huling clue nito ang Theater room. madilim ang theater room kinapa ko yung switch sa may gilid ng pintuan at bumukas na ang ilaw. namangha ako sa ganda ng stage at may isang malaking box na nakatayo sa itaas ng stage.

may sulat na nakalagay sa box.

this is the last stage, open this huge box if you want to be happy in your whole life.

WHAT? kapag binuksan ko itong malaking box na ito magiging masaya na ako buong buhay ko?. dahan dahan kong binuksan yung nakaribbonize na malaking box. may mga naririnig pa akong mga ingay sa likod ng stage pero hindi ko ito pinansin nagpatuloy parin ako sa pagsira at tanggal ng mga ribbon sa malaking box at nang binuksan ko na ito ay…..

“Hello Adrienne” bungad pa sa akin ni Bench.

haysssssssssssss. sabi ko na nga ba eh.

“ano na naman ito?” tanong ko sa kanya.

“So gusto mo palang maging masaya na ako ang iyong kasama buong buhay mo?”

“managinip ka”

hinawakan ni Bench yung kamay ko. saka inabot nito ang bulaklak na nagkatago sa ibaba ng malaking bulaklak.

“Ang init-init sa loob ng malaking box na ito, tapos ganyan lang ang sasabihin mo?”

“sino ba namang nagsabing gawin mo yan?”

“hindi ka ba masaya?”

“oo masaya ako, peroooo”

“pero? bakti kelangang may pero?. hindi ba pwedeng masaya ka nalang?”

“Bench naman!”

“Hindi man ako yung pinaka-sweet na lalakeng makikilala mo, pero tandaan mo. ako ang pinaka-gwapong lalakeng makikilala mo” pagmamayabang pa nya. na para bang nagtatampo.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon