#Epilogue

688 7 12
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

#EPILOGUE

                Ang sarap ng simoy ng hangin. Dinadala nito ang mga kakaunting buhok na siyang natitira sa aking bunbunan. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang paglalaro ng mga ulap sa langit. Na para bang mga batang malayang nakakapaglaro sa malawak na palaruan.

Hawak-hawak ko ang isang Litrato, mga litrato ng nakaraan. Hindi ko maiwasang ngumiti, at alalahanin ang mga nakalipas. Yung wala pa akong gaanong pinoproblema sa mga bagay-bagay. Na hawak ko pa ng aking ina ang oras ko, kung kelan ako pwedeng maligo, kumain at matulog. Kung anong damit ang pwede kong suutin, kung sino-sino mga bata ang pwede kong kaibiganin. At anong kurso ang aking kukunin sa kolehiyo.

Maraming nagbago? Oo, marami na talagang nagbago. Ang bilis nang pahanon. Sobrang bilis, halos hindi na nga ako nakasabay sa sobrang bilis ng mga pangyayari?  Parang noong nakaraang araw lang ay bata pa ako? Ngayon, hmmm, bata parin naman ako. Kaso isip na nga lang. iniisip ko na bata ako, in-denial kumbaga. Ang mga guhit sa aking mga mata, sa labi at sa buo kong katawan, ang nagsasabi na matanda na nga ako.

Matanda na talaga ako. Nahihirapan na nga akong huminga, pati ang paglalakad ko, bilang nalang. Yung galaw ko ay halos hindi na singlakas noong gaya ng dati, hindi narin ako makasabay sa mga bata.

Nasaan ba ako ngayon? Uhmm, hulaan niyo. Nasa isang tahimik akong lugar. Lugar na kung saan, pwede kang maglabas ng sama ng loob mo. Lugar na kung saan pwede kang umiyak, dahil sa walang ibang makaka-istorbo sa iyo. Lugar na kung saan kaharap ko siya. Lugar na kung saan, pwede ko lang siyang Makita, makasama at makausap.

Namimiss ko na siya? Sobra. Wala na sigurong ibang salitang, pupwedeng maihalintulad doon, kundi ang pangungulila ko sa kanya. Malaki ang kasalanan ko sa kanya. Sobrang laki, sa sobrang laki nito, pati ang sarili ko, hindi ko mapapatawad.

Matanda na talaga ako. Kasi kung ano-ano nalang ang nasasabi ko. Hindi ko man siya kaharap, basta alam ko, nandiyan lang siya sa lagi sa tabi ko. Minsan nga, sa tuwing nangungulila ako sa kanya, bigla bigla nalang may kung ano akong nararamdaman sa aking kamay. Ang lamig, napaka-lamig. Parang yelo, hindi maipaliwanag, tapso bigla nalang akong naging okay. Matiwasay, wala na yung problema, naging okay na ang lahat.

Life saver ko talaga siya.

Simula pagkabata, kaming dalawa na ang laging magkasa, kapag sinabang magkasama. Ibig sabihin araw-araw. Walang araw na hindi kami nagkikitang dalawa. Minsan nga iniisip ko kung nagsasawa na siya sa akin. O ako sa kanya, pero hindi. Hindi ko kayang mawala siya sa akin, at alam ko na ganun din naman ako sa kanya. Kasi, parang hindi ako alam kung anong gagawin ko kung hindi ko siya nakikita, para akong kating-kati na Makita siya, kahit na busy siya o ako, basta gumagawa ako ng paraan para lang Makita at makipaglaro sa kanya.

Hanggang sa di nagtagal.

Marami nagbago.

Ako.

Ang damdamin ko.

Ang pagtingin ko sa kanya.

Ang pagtingin niya sa akin.

Ang nararamdaman namin sa isa't isa.

Naluluha na naman ako. Hinawakan ko ang ulunan niya, magkatabi kami ngayon. Habang ako nakaupo, siya naman ay mahimbing na nakahiga.

Hinahawak-hawakan ko pa ang ulunan niya. Habang ako, na tangang napapangiti.

Sana totoo ulit ang lahat, nang may nagawa pa akong paraan.

Hawak-hawak ko parin ang mga litrato. Litrato nang nakaraan. Nakaraan an gang hirap ng balikan.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon