#ENTRY 43

2.1K 21 13
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 43

“minsan iniisip natin na kapag mahal na natin yung isang tao akala natin atin na sya, pagmamay-ari na natin sya pero minsan kasi the more na hinahawakan mo sya sa leeg at ayaw iexplore ang mga possibilities na makikita nya outside world the more na umaatras sya sa iyo palayo”

………………………………..

“nabasa mo ba yung message ko sa iyo sa facebook?”

Tanong ni bench sa akin. Ok na kami as in ok na ulit kami parang walang nangyari. Parang walang isang lalakeng umiyak sa akin noong nakaraang araw.

Walang akong pusong sinugatan.

Wala akong pusong sinaktan.

Wala akong ginawang masama.

Parang wala lang akong ginawa ok na kasi ulit kami eh. Pero paano nga ba kami naging ok ulit?

…………………………………….

Kinakabahan akong pumasok sa loob ng classroom namin. Dahil alam kong nandoon na si Bench maaga kasing pumapasok yun eh. Sumilip ako sa may bintana at konti palang ang mga classmates namin na nandoon. Dahan dahan akong pumasok sa loob. At tinawag ni bench ang pangalan ko.

“Adrienne” sigaw pa nito sabay tayo sa kinauupuan nito. May bitbit na boquet of red flowers si Bench.

Nahihiya akong tumingin sa kanya. Hanggang sa  di ko napansin na nasa harapan ko na sya kaagad. Ang bilis nyang gumalaw, ang bilis nyang nakapunta sa lugar ko. Hindi pa ako nakakaupo ng oras na iyon ng….

“For you” sabay bigay abot pa sa akin ni Bench yung bulaklak na kay bango bango. Tumingin ako sa mga mata nya. Hays bakit parang naguiguilty ako.

Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanya.

“sorry na” malumanay na sabi ko kay bench habang hawak hawak ko na yung bulaklak na ibinigay nya sa akin.

“oo ok na yun”

“hindi eh. Naguiguilty ako bench sa ginawa ko”

“ok na nga yun ang kulit” sabay kamot ulo si bench at sabay ngumiti ulit sa akin. Hindi maalis sa isip ko na binalewala ko ang gwapong lalakeng ito at mas pinili ko ay wala pa pala akong pinili. may kinikilingan lang pala.

“no. hindi ako makatulog alam mo ba yun bench?”

“we? Di nga?”

“ahmmm..nakatulog din ako….pero….konti lang”

Sabay tumawa sya ng malakas.

“pero…pero…kasi naguiguilty talaga ako eh”

“ganito nalang”

Tapos nag-isip sya. Sana yung gagawin mong favor bench ay hindi naman gaanong mahirap? Yung medyo madali naman. Kasi kapag mahirap yan ay…ewan….back out.

Ngumiti muna si bench sa akin. At inakbayan ako. Saka kaming dalawa ay umupo sa upuan at inalis ko muna yung hawak kong bulaklak. Saka sya nagpatuloy sa pagsasalita.

“be my partner on my 16th birthday, hindi ko pa kasi nasabi sa iyo na birthday ko na this coming Saturday, and I want you to be my partner party so ano? Ay mali yun pala yung kapalit sa pagpapaiyak mo sa gwapo kong mukha”

Ayan tayo eh, nangongonsensya eh. Pero? Date? Ok lang naman.

“ok, yun lang pala eh”

“I will introduce you to my clan as my girlfriend”

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon