KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 28
KARLO’S POV
Pag-uwi sa bahay ay hindi parin ako pinapansin ni Apem. Ano ito tuloy tuloy na ba nya akong hindi papansinin? Well ok lang para naman umayos yung flow ng buhay ko, yung wala ng maingay?. Yung tahimik na muli yung buhay ko. Sa totoo lang noong dumating sa buhay ko or should I say nakilala ko itong si Apem, at napunta ako dito sa bahay nila ay malaki na ang pinagbago ko.
Sa pagiging tahimik, at hindi palasalita, ay natuto akong sumagot sa kanya, inaaway sya at higit sa lahat natutuwa na akong sa kanya kesa sa kinaiinisan sya.
Gusto ko syang kausapin, pero ayaw ko namang mag-sorry sa kanya, baka kasi isipin nya na may gusto talaga ako sa kanya at yung move na gagawin kong iyon eh baka isipin nya na ok kami. Ok na kaming dalawa.
Mas mabuti na siguro ito na parang stranger na ulit kami sa isa’t isa. Yung hindi ko sya kilala, tapos hindi nya rin ako kilala, nagkakasalubungan kami, ningingitian nya ako, pero hindi kinakausap. Walang feelings, walang emotions.
Nasa kwarto lang ako ng mga oras na iyon habang iniisip ko kung kakausapin ko ba si Apem o hindi. Nangbiglang tumunog ang phone ko.
Kinuha ko ito sa loob ng bulsa ng pantaloon ko. At si mommy yung tumatawag sa phone ko.
“oh? Mommy bakit? Kamusta ka na dyan?”
“anak ok lang naman ako, ikaw kamusta ka dyan?”
“kahit kelan naman mommy hindi ka ok, wag kang magpanggap, ok ako dito, mabait sila tita marie kaya ok lang ako dito ikaw ang inaalala ko dyan, umayos ka”
“anak yung mga gamut mo ba naiinom mo pa ba?”
“mom, wag mong ibahin yung usapan, kamusta ka dyan? Kamusta yung mission impossible mo ah?”
I was referring to the mission na pabalikin ni mommy yung daddy ko sa pinas at mag-sama na sila ulit as one kasama raw ako bilang pamilya.
It takes a seconds tapos hindin parin sumagot si mommy.
“are you still there?” tanong ko pa sa kanya
“anak…”
“bakit??”
“yung daddy mo kasi…”
“ano? Patay na ba? Kelangan ko na ba syang dasalan?”
“adik…hindi, umayos ka nga yung daddy mo…”
“ma…please wag mo na akong bitinin pa, sabihin mo na yung gusto mong sabihin, may mga dapat pa akong kelangang gawin.”
“yung daddy mo, gusto ka nyang Makita”
“Makita lang pala eh, edi magchat kami sa skype tapos mumurahin ko sya”
“Karlo, listen…hindi na kami pwedeng magbalikan ng daddy mo, mas pinili nya ang pamilya nya dito sa America kesa sa atin. He explain everything kahit na sobrang sakit ng mga narinig ko ok lang sa akin”
“lahat naman ng sasabihin ng lalakeng iyon eh ok lang sa iyo, kahit na ginagago ka na nya.”
“karlo, gusto ka nyang Makita, at gusto nya dito ka na raw tumira kasama nila, matatanggap ka naman ng pamilya niya eh”
Nagulat ako sa sinabeng iyon ni mommy sa akin. Parang biglang huminto sa Segundo yung tibok ng puso ko, tapos biglang kumirot ito.
“ma….”
“anak…sorryyyy”
“ma? Pumayag ka?” medyo tumaas yung boses ko. Hindi kasi ako makapaniwala na yung taong nagpapahalaga sa akin, yung tanong naniniwala sa akin, yung taong nagmamahal sa akin eh parang biglang nawala.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)