THE GIRL FROM YESTERDAY
#TGFY 16
“Hindi mo naman kelangan ngumiti para sabihing Masaya ka, nararamdaman naman ito nang tunay na taong nakakakilala sayo, tumayo ka lang alam nila kung Masaya ka o hindi”
-Karlo.
……………………….
Karlo’s POV
Ako ang naatasang magbantay at mag-alaga kay Sophia, since ang pag-kakaalam lahat ng tao sa campus ay Girlfriend ko itong babaeng ito. Sana na nga lang!.
Lunch break. Isinama ko si Sophia sa may Cafeteria, kasama ang mga barkada, ayaw sana sumama ni Adrienne pero pinilit ito ni Bench kaya napapayag narin.
“Bakit nakatingin silang lahat sa akin?” tanong pa sa akin ni Sophia.
“Kasi maganda ka” sagot naman ni Gravity.
“huh?, ang babaw pala ng mga tao dito. Ayun pa naman yung isa sa kinaiinisan ko, yung magugustuhan lang ako dahil sa maganda ako, edi sana picture ko nalang yung gustuhin nila hindi ako tss” sabi pa ni Sophia sabay simangot.
“Ako, pwede ba kitang ligawan?” sabat naman ni Timothy.
“Sorry, May boyfriend na ako, Diba Karlo?” sabay pinalibot ni Sophia yung kamay nya sa kanang kamay ko. Para syang linta tss ayaw umalis, matanggal, nakakairita.
“Tigilan mo nga ako sa pag-tawag na boyfriend” reklamo ko pa sa kanya.
“Diba gusto mo ako?” tanong nya sa akin.
Napatingin pa ako tuloy sa mga kaibigan ko. Lalong lalo na kay Adrienne, na hindi na nagugustuhan yung mga naririnig nya’t nakikita.
Hanggang sa…dumating ang mga kontrabida, sina Ayris at Trixie.
“Mukhang nagkakasiyahan ang mga Losers ah?” bungad pa ni Ayris.
“Hi Sophia right?, ang ganda naman ng pangalan mo, pero bakit parang amoy cannestein ka?”
“Cannestein?” pagtataka pa ni Sophia.
“Yung, pinapahid sa mga makakating katulad mo” sagot ni Ayris. Sabay tumawa naman itong si Trixie.
“Mukhang nagsa-sama ang mga mang-aagaw, at ang malandi” sabi naman ni Trixie.
Nagulat ako noong tumayo si Sophia.
“Anong sabi mo?. Malandi? Uhmmm tandaan mo, bisita ako dito sa inyo. At kung ano ang lalabas dyan sa bibig mo, ay syang mailalagay ko sa report ko sa paaralan nyo, at isa pa sa pagkakaalam ko, hindi ako malandi, sadyang maganda lang” sabay upo ulit ni Sophia.
“Awkward” si Timothy.
“Ehem” si Gravity.
“takpan mo yung tenga mo Princess” sabi naman ni Bench kay Adrienne.
Saka sumagot ulit itong si Ayris.
“What did she said?, maganda sya? Hoy babae, hindi ako natatakot sa iyo, kahit na maganda ka. Pwe, di hamak na mas magand ako sa iyo” sabi pa ni Ayris.
“Ang magaganda may boyfriend, hmmm saan ang boyfriend mo?” sabi pa ni Sophia. Bigla kaming nagtawanan. Oo nga no? maganda naman itong si Ayris pero wala itong nagiging boyfriend kasi sa kagaspangan nang ugali nya.
“Minsa kasi ang kagandahan, sinasabayan nang maganda rin pag-uugali, kung wala ka noon. Ay Gudluck sa labylayf Gurl, nga nga!” sabi pa ni Sophia saka tumayo ulit at kinuha yung bag nito.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)