#ENTRY 23

2.7K 24 11
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 23

ADRIENNE’S POV

Nasa loob na kami ng simbahan pero masakit parin ang ulo ko. Sorry lord kung medyo hindi ako nakafocus sa pagkinig sa salita ng dyos. Eh nakakairita naman kasi ang topic eh. Tungkol sa pag-dedepensa ng simbahan na ang lahat ng mga binibigay sa kanilang donasyon ay hindi nila alam kung kanino galling. Kapag nagdonate raw ang isang tao kahit raw galing ito sa masama basata dinonate eh hindi na raw nila iyon kasalanan. Tsk ok pero sino ang may kasalanan?.

May tao bang nagsabi na sya ang may kasalanan? Wala diba? Ok ako nalang ang may kasalanan tsk napaka nyo. Pati sa simbahan may pulitika nakakairita na nga minsan mag-simba.

“hoy ang tahimik mo naman” sabi pa ni karlo, bumulong ako sa kanya pero guston gusto ko ng sumigaw

“anong gusto mong gawin ko? Ah? Sumigaw dito? Matutulog na lang ako”

“bakit ba kasi hindi ka  natulog ng maaga?”

Aba? Nagtanong ba? Sarap mo pektusan sa balunbalunan lalake ka. Tsk nakakakahayssssssss lord patawad.

Pagkatapos ng misa.

“anak…Karlo, sorry may pupuntahan pa kami ng daddy mo rush lang kasi eh kelangan kong pumunta ng office may aayusin lang kasi so kayo nalang ni karlo ang pumunta kay Doctor Jiminez kilala mo naman sya right? Naka-usap ko na sya kanina at may appointment ka na sa kanya.”

“Karlo, sorry ah? Pero favor naman, bantayan mo si Apem baka kasi tumakas na naman yan eh”

Ma? Ano ba? Wag mo na ngang ipaalala yun, malaki na ako ngayon duh.

Ngumiti lang si karlo at saka umalis na yung mga haliparot kong magulang.

Oo mukhang nasasanay na silang pabayaan ako ah? Kapag ako nabuntis….kasalanan nyo hehehe joke. Ako? Mabubuntis? Duh? Binenta ko na kaya yung fallopian tube ko sa isang Bakla. Duh Peace

“oh? Paano yan tayo na namang dalawa ang magkasama” sabi pa  ni karlo?. Ano gusto nitong sabihin? Nakakaintriga ah?.

Tumunog yung phone ko, ma y tumatawag kasi. Kaya nga tumutunog kasi may tumatawag duh.

At noong nakita ko si Bench pala ang natawag.

“hi bench” sagot ko sa kanya

“nasaan ka ngayon?”

“nasa simbahan”

Sabay sumabat si karlo.

“hoy pumunta na tayo sa  hospital”

Sabat pa ni karlo.

“si karlo ba yun? So kasama mo na naman sya, akala ko ba hindi mo sya boyfriend pero bakit parang lagi kayong magkasama ?” holy shit. Ay sorry peace kakasimba ko lang pala. Hays

Oo nga pala hindi pa alam ni Bench na iisang bahay lang ang tinitirahan namin ni karlo tsk ano ba ito.

“ah???? Si karlo? Oo nakasabay ko lang sya sa simbahan…pupunta kasi kami, I mean ako ng hospital dahil magpapacheck up ako”

“bakit? May sakit ka? Anong nangyari sa iyo? Wait pupuntahan kita” si Bench na parang pagkakarinig ko eh naging aligaga noong marinig na pupunta ako ng hospital at magpapacheck up. Pag-magpapacheck up may sakit agad? Kaya nga magpapacheck up para malaman kung may sakit o wala eh duh.

“adik to. Hidni pa ako mamamatay, magtigil ka nga dyan Bench ok lang ako, feeling ko kasi bumabalik yung insomnia ko eh kaya ayun magpapacheck up ako sa family doctor namin”

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon