#ENTRY 31

2.5K 25 1
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 31

Bakit? Bakit minsan? Oo kadalasan, kapag may nagugustuhan na akong isang tao, saka naman biglang umuurong ang pwet ko at gumagawa ang tadhana para ilayo ako sa taong ito?. Hayssss buhay, parang life.

KARLO’S POV.

Nasa loob na kami ng tax, pauwi ng bahay. Mag-aalas dos raw kasi eh nandoon na si mommy. Oo yung mommy kong baliw na pumunta ng america para iplease yung tatay ko ring baliw na bumalik sa amin. Alam ko na naman ang kalalabasan nito. Hays so much drama.

Puro lang katahimikan loob ng taxi na iyon. Ni wala ni isa sa amin ang gustong magsalita. Ni hindi ko rin sya tinititigan, nakafocus lang ako sa pagbabasa ng libro. Pero hindi ko gusto itong katahimikan na ito, kaya…huminga ako ng malalim.

Tapos umubo.

Pero hindi parin sya lumingon.

Ubo parin.

Sa pangalawang pagkakataon eh hindi parin ito lumingon.

Tinanggal ko yung eye balls ko tapos pinakita sa kanya…..hehe syempre joke lang iyon. Ano bang klaseng babae ito? Lahat ata ng umuubo eh napapansin tapos sya hindi? Adik? Baliw? Walang pakiramdam? Patay?. Umiinit na naman tuloy yung ulo ko.

“may cancer ka na? ihiga mo na yan.” Biglang sabat nito

Nagdikit yung dalawan makapal kong kilay. Nagtataka at bakit bigla syang nagsalita.

“kung kakausapin mo ako, pwede ka namang magsalita, hindi yung uubo ka dyan at magpapapansin para lang gumawa ng move, duh lumang taktika na yan dude”

Eh? Alam pala nya eh bakit hindi kaagad sya nagsalita, ngayon feeling ko uubuhin na talaga ako dahil na ngati na yung lalamunan ko. Tsk

“ikaw? Gusto kong kausapin? mukha mo, mas gusto ko pang kausapin yung daga kesa sa iyo”

“kaso? Walang daga dito eh, ako lang  at yung driver? So??? Ano ka baliw?”

“tskkkk ewan ko sa iyo Apem, oh? Malapit na tayo ihanda mo na yang sarili mo”

“why should i?”

“dahil papatayin na kita”

“then do it first, hindi ako natatakot sa iyo”

“papatayin kita sa sarap”

Bigla syang namula. Hehe alam kong kinilig sya.

Pagpasok naming dalawa sa bahay ay nakapatay ang ilaw.

“huh? Walang tao?” tanong pa ni Adrienne.

Ang bobo talaga ng babaeng ito. Walang tao tapos nakabukas ang gate? Walang tao pero nakabukas ang pintuan? Ano to? Free ang bahay sa magnanakaw? Duh? Nasan ba ang utak mong babae ka? Sa hin-liliit mo?. Tsk turn off.

Sinong nagbebenta ng common sense dyan bibili ako para sa babaeng ito kawawa naman.

At dahil alam ko na ang gimik na ito, at si mommy ang nakaisip nito.

“charannnnn” boooggsshh pasabog ng confetti. Lahat ng ito ay ideya ni mommy at sinama pa nya sa mga kabaliwan nya sila tita marie at tito paul.

At itong si Adrienne eh tuwang tuwa at mukhang tanga sa pakulo ni mommy.

Kaagad na lumapit si mommy sa akin at akmang hahalikan ako.

“mommy???” kaagad ko syang pinigilan. Natatawa tuloy sila tita marie sa inaasta ko para akong bata na ayaw mayakap at yakapin ng isang nanay. Para akong nagtatampo which is lagi ko namang ginagawa yun sa kanya sa twing umaalis sya at iniiwan ako nito.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon