KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 67
“kung dumating man yung panahon na iiwanan kita. Gusto ko ay yung panahon na kung saan ka pinaka-masaya. Dahil magiging masaya lang ako na mawala dito sa mundo kapag ang taong mahal ako ay nakita kong masaya kahit sa piling pa ng iba.”
-Karlo.
……………………….
Karlo’s POV
Second Day namin dito sa palawan. Sa Rest house ng pamilya Chan. Gaya ng sabi ng isa sa driver nila Bench na syang naghatid sa amin sa lugar na ito. Na napaka-swerte raw namin na naging kaibigan namin ang pamilya chan. Kung alam nya lang na hindi ko tinuturing na kaibigan ang lalakeng iyon kundi threat sa pagmamahal ko kay Adrienne. Haha hanggang ngayon kasi eh isa parin syang malaking threat kaya nga natatakot ako na kapag nawala ako eh baka doon kaagad sya mahulog kay Bench.
Pero parang mas okay na iyon. Kesa sa maging malungkot sya at araw-araw na iniisip nya na babalik pa ako. Nakakatawa no?. hindi pa man ako patay pero parang ganun na ako mag-isip. Nagiging futuristic na kaagad ako. Nagiging judgemental, pinangungunahan ko na kaagad yung plano ni God sa akin. Which is not healty sa isang katulad kong may karamdaman.
Nakatayo ako harapan ni Adrienne. Mahimbing parin itong natutulog sa aming higaan. Oo tama ang hinala nyo, magkatabi kaming natulog ni Apem. Pero ooppss wala pong nangyari sa aming dalawa. Promise Cross my heart kahit mamatay man ako ngayon sa kinakatayuan ko. I Really respect Adrienne. At ayaw ko na sirain yung kinabukasan nya dahil lang sa pagiging mapusok naming dalawa.
At isa pa napaka-bata pa namin para gawin yung ganun mga bagay na kung saan ay mga matatanda lang dapat ang gumagawa. Pero ewan ko lang ngayong panahon na ito. Pero ako? It’s a big big no!. kung mahal mo ang isang tao, matuto kang mag-intay.
Tumunog yung phone ni Adrienne. Kaagad kong kinuha yung phone nya na tumunog, may nagtext sa kanya at noong basahin ko kung sino ang nagtext, ito ay si Bench.
Kaagad kong binuksan yung mensahe sa kanya ni Bench. Oo pinakealaman ko yung isang personal na gamit ni Adrienne. Alam kong bawal pero bakit ba kasi nagtetext pa silang dalawa?. Napapraning na naman ako kapag si Bench ang pinag-uusapan.
Yung message ni Bench kay Apem.
“Happy Birthday My Princess.” Biglang nanlaki ang aking mga mata. Tumingin ako sa kinahihigaan ni Adrienne. “birthday nya?. Holy Shit” I almost forgot. Weh? Di nga? Nakalimutan mo talaga karlo. Pero yung isang isip ko sinasabe na. “hindi mo talaga alam na bday na adik”.
Kaagad akong lumabas, bakit nga ba ako lumabas?. Hindi ko rin alam. Siguro para makapag-isip ng paraan kung paano magiging Espesyal itong araw na ito kay Adrienne.
Birthday nya pero hindi ko alam. Napaka-malaki kong tanga. Una pa syang binati ng lalakeng may gusto sa kanya pero akong boyfriend nya hindi alam kung kelan ang pinaka-importanteng araw nya.
Ano pa ba ang hindi ko alam sa kanya?. Siguro kulang ang ilang buwan para malaman ko iyon dahil sa taning na ibinigay ng Doctor na iyon sa akin. Kaya binibilisan ko na ang mga bagay ngayon.
“kelangan mong mag-isip Karlo” nasa balcony ako ng oras na iyon at nag-iisip kung paano ko gagawin espesyal yung araw na ito kay Apem. Hanggang sa pumasok sa isip ko ang isang ideya.
Medyo Weird nga lang kung iisipin sana magustuhan nya. Shet bakit ko ba ginagawa itong mga kagaguhang ito? Para sa babaeng ito?. Itong babaeng ito, na walang ginawa kundi painitin ang ulo ko?. Na walang ginawa kundi murahin ako?. Na walang ginawa kundi saktan ako. Pero itong babaeng ito na wala ding ginawa kundi ang mahalin ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/7759787-288-k329471.jpg)
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)