#ENTRY 10

3.2K 32 5
                                    

KUMUSTA  KRAS MO?

#ENTRY 10

KARLO’S POV

Sa wakas natapos ko na rin akong maghugas, at niligpit ko pa yung ibang kalat mga kanin na nahulog sa sahig. Babae nga sya pero parang yung bunganga nya may sariling mundo pati yung sahig pinapakain nya. Hays turn off.

Nakabukas ang tv ng lumapit ako nakita ko yung paa ni Apem na nakataas sa may sofa. Noong lumapit ako para inisin sya ay. Tulog na ito.

Mahimbing itong nakapikit at nakatulog na ito dahil sa sobrang pagod nito sa school at sa pag-gala namin kanina sa palengke.

Actually yun ang pinaka-masarap na lutong bahay na natikman ko sa tanang buhay ko. Kahit kasi maganda yung nanay ko, hindi kasi marunong magluto yun, puro nalang kami order ng mga lutong pagkain sa labas, tulad ng jolibee, kfc, mcdonalds atbp.

Pero noong nakita ko palang yung garnishing sa taas ng tilapia. Napaka-appetizing, ang sarap nyang kainin. Oo patay gutom na kung patay gutom pero masarap talaga sya. Mga adik kayo.

Hindi ko alam kung bakit ko tinititigan yung mukha ni Adrienne. Maganda rin pala sya. Hanggang sa may maalala akong isang napaka-importanteng bagay.

………………………………

“hindi ka pwedeng mapagod, hindi ka pwedeng masyadong mag-express o makaramdam ng masyadong mabigat na emosyon, at hindi ka pwedeng mainlove.”

Hindi ako pwedeng mainlove. Kelan ba ako nainlove? Eh hindi pa nga ako nainlove. Pero ng oras na ito. Bakit parang ang lakas- lakas, lakas at ang bilis bilis ng tibok ng puso ko?.

Nakatitig parin ako kay Adrienne. Yung pisngi nyang namumula kapag nakangiti. Yung labi nyang kulay cherry. Yung pilit mata nyang hindi gaanong kahabaan at yung…..boobs? bakit biglang napunta sa boobs yung tingin ko?.

Yung boobs nyang walang laman. Babae ba talaga ito? Walang ka hinaharap. Shhhhh.. natutulog ang dragona wag kayong maingay.

Dahil sa gumagabi na at hindi naman masyadong masama ang ugali ko at naawa ako na baka siponin at magkasakit itong dragona na ito at baka ako pa ang sisihin nila tita marie which is ayaw ko naman mangyari.

Kaya nagdesisyon akong buhatin itong babaeng mukhang dragon na ito, at dalhin sa kwarto nya, pero hindi ko inakala na mas mabigat pa pala ito sa elephant.  Putragis mamamatay ako sa kanya.

Nakarating na rin kami sa kwarto nya at dahan dahan ko syang ibinaba sa higaan nya. Inayos ko ang katawan nya sa pagkakahiga. Sana na kasi ako sa gawaing ito kay mommy. Kapag umuuwi syang lasing ako yung naghahatid sa kwarto nya at ako iyong nag-aalaga sa kanya.

Kinumutan ko pa si Apem, at tumitig ulit sa kanya saka nagsalita. Nakaupo ako sa gilid ng kama nya habang pinagmamasdan si Adrienne.

“alam mo napakaswerte mo.”

“napaka-swerte mo dahil may pamilya kang katulad nila.”

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon