THE GIRL FROM YESTERDAY
#TGFY 6
“Kung nahihirapan ka? Pwes doble ang nararamdaman ko, hindi kaya ako sanay na hindi ka pinapansin. Lalong lalo na hindi ako sanay na may ibang taong gumugulo ng buhok ko”
-Adrienne.
………………………………
2 Minutes nalang magsisimula na naman yung klase ni Teacher sef.
The last time na nalate ako sa subject nya ay pinalabas nya ako kasi sa pagdadaldalan naming dalawa ni Timothy at nakita pa ako nito na may subo-subong Lolippop na syang ibinigay ni Tim dahilan para mag-init lalo yung dugo sa akin ng teacher naming iyon.
Halos mahingal-hingal na akong umakyat ng 4th floor, bakit ba kasi ang layo ng room namin at bakit kelangang ilagay pa ito sa pinaka-taas na level? Purkit 4th year highschool na kami eh doon dapat yung room? Duh. WTF.
Reklamo ko pa sa sarili ko.
As I open the door sa kwarot namin ay nag-tinginan silang lahat sa malakas na pagbukas ko. Hindi ko naman sinasadyang mapalakas ko ito ng pag-bukas, buti nalang wala pa si teacher sef. Pero ang kinagulat ko eh bigla silang tumahimik noong papasok na ako sa loob ng classroom namin.
Inayos pa ng iba yung pag-upo nila. Yung iba naman ay natigilan sa pagkwekwetuhan. Habang si Timothy ay nakatitig sa akin. Yung nguso nito ay may tinuturo sa akin likuran.
“Ako?” bulong ko pa sa kanya na tinuturo yung sarili ko.
At napatingin ako sa aking likuran.
At nanlaki ang aking mga mata sa pagtingin ko sa aking likuran.
“Sir?” sabi ko ng mahina ang boses.
“Uhm?” sabi pa nya as he staring, just like he want to eat me.
Payuko pa akong pumasok at umupo sa tabi ni Timothy sa likuran.
“Buti hindi ka late” bulong pa sa akin ni Timothy na may kasamang pang-aasar.
“Close ba tayo?. Bakit mo ako kinakausap?” tanong ko pa sa kanya saka inilagay yung mga librong bitbit ko sa aking desk samantala yung bag ko naman ay inilagay ko sa akin likuran.
“Hindi, pero kayo ni Bench you’re getting closer huh?” tsimis pa ni Timothy sa akin.
“Wala ka talagang magawa sa buhay mo no?. kalalake mong tao tsimoso ka” mahinang sabi ko pa sa kanya. Ayaw ko ng lakasan yung boses ko kasi ayaw ko ng muling mapalabas ng boses.
Pero ewan ko ba akong meron sa tenga ni Teacher Sef at narinig parin nya yung boses ko sa ganun kahinang volume.
“Late ka na nga, ang lakas pa ng loob mong makipagdaldalan dyan? Tumayo ka nga” nagsitinginan silang lahat sa akin. Dahil tumayo si Teacher sef at nakatingin sa aking kinauupuan.
Kaya napatayo ako sabay sabing.
“Ako ho ba?” tanong ko sa aking sarili as I staring around the class, na kung saan ay nagsisimula ng magsitawanan.
“Meron pa ba?. Hindi ka mag-rereak at tatayo ng ganyan kung hindi ikaw yung pinopoint out mo?. Ano bang gusto mo? Lumabas o ibabagsak na kita sa subject ko?” mataray pang sabi ni teacher sef sa akin. Na para bang may choice ako sa dalawang gusto nyang mangyari.
Pero ewan ko bang ano bang kademonyohan ang sumapi sa akin at sumagot ako sa kanya.
“Hindi naman po ata tama yan sir, una sa lahat. Hindi po ako nag-iingay at kung nakita nyo pong nag-iingay ako patawarin nyo po ako, hindi pa naman po kayo nagsisimulang magturo at tsaka, kung lagi nyo po akong palalabasin sa klase nyo. Paano po ako matututo?. Hindi naman po ata fair yun sa part ko. Nagbabayad po ng mahal ang pamilya ko sa tuition fee dito sa school tapos dahil lang po sa simpleng pagkakamali eh hindi na ako makakapag-ara ng maayos?”
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)
