#ENTRY 25

2.9K 23 1
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 25

ADRIENNE’S POV

 

Maaga, oo maaga na akong gumising, alas singko palang eh gising na ako although 7:00 am pa ang pasok namin sa school. Pinuntahan ko kaagad si karlo sa kwarto nito.

“Goodmorning Unggoy!!!!” bati ko sa kanya, hindi na ako kumatok pumasok na kaagad ako alam ko na gising narin kasi sya at ng oras na iyon eh nag-aayos na sya ng bedshit nya at nag-hahanda ng uniform na susuotin nya.

“oh? Himala? Ang aga mong gumising? Maganda yan”

“ako? Maganda? Sus alam ko na yun hindi mo na kelangan pang ipaalala.”

“tanga, bingi ang wala, sabi ko maganda yang Gawain, ang gumising ng maaga para maganda yung energying papasok sa katawan at sa utak mo adik”

Tapos kinuha nito yung towel nito at damit, maliligo na kaya sya?. Actually dalawa kasi ang bathroom namin sa bahay pero kasi gamit ni daddy yung isa kaya hindi pa ako nakakaligo. Tapos yung isa eh ilang minutes nalang daw si mommy kaya pinuntahan ko muna si karlo.

“maliligo ka?”

“mukha ba?, may dala akong bath towel?, damit, brief, boxer shorts, t-shirts ano kaya sa tingin mo ang gagawin ko?, magluluto? Eh hindi ako marunong nun”

Pilosopo talaga itong gagong ito .

“sus, sige na mauna ka na”

“huh? Ikaw?”

“sige na boss mauna ka na. susunod nalang ako, eh medyo matagal kasi akong maligo”

“pwedeng tanggalin mo na yung medyo?. Kasi sobrang tagal mo talagang maligo. Ewan ko ba sa inyong mga babae, konti lang naman ang pinagkaiba nyo sa katawan naming mga lalake pero ang tagal nyong maligo tsk.”

…………………………..

Sa loob ng kotse.

“ito…” sabay bigay ni Karlo sa akin ng mga notes, ginawa nyang simplify ni karlo yung notes, in short para na syang isang reviewer, kelangan ko nalang raw intindihin ito at pag-aralan ng mabuti. I need to research din doon sa mga salitang nakalagay doon para raw mas maintindihan ko. HISTORY subject palang ito ah? Paano pa yung Chemistry, at Trigonometry hays bakit ba kasi nag-eexist yung mga subject na ito.

“kelangan ko bang pag-aralan lahat ng mga yan parang nakakatamad.” Nakakabwisit ang dam, ang sakit sa ulo, tinitingnan ko palang eh nahihilo na ako, pero sabi ni karlo eh, short na raw ito. Simplified na raw ito ibig sabihin mas madali na raw itong ginawa nya compare sa book na mababasa at kelangan mo bang intindihin.

“kelangan nating magkita sa lunch break ok?”

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon