#TGFY 22

606 9 2
                                        

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 22

“Hadlang lang ako sa kasiyahan nya. Panira lang ako sa masayang lovestory nya. Kahit kelan, wala akong ginawa kundi ang sirain ang buhay nya. Pang-gulo lang talaga ako. Dahil pati yung isip at puso ko ang gulo-gulo”

-Adrienne.

.......................

Adrienne’s POV

Sa pangalawang pagkakataon nagsabi ulit ako ng nararamdaman k okay Karlo. Pero sa pangalawang pagkakataon ulit, binasted ako nito. Oo yung ang nararamdaman ko. Binasted ako ng taong sinabihan ko ng nararamdaman ko. Nasa loob ako muli ng kwarto ko. Tahimik, patay ang ilaw, ni ayaw kong Makita yung sarili ko sa salamin kung gaano ako kadesperado ng oras na yun para sabihin ulit yung mga bagay na iyon kay karlo. Tss ang tanga mo Adrienne. Napakalaki mong tanga, ni hindi mo man lang inisip na masasaktang kang muli sa ginawa mo. Pabara-bara ka na naman kasi sa desisyon mo. Tss.

Hindi parin dumadating si mommy. Kaya wala parin akong makausap, o masabihan ng nararamdaman ko ngayon. Hanggang sa naisip ko muli si Imee. Sana gising parin ito sa mga oras na ito. Kaagad akong tumayo, pumunta sa direksyon sa may pintuan ng aking kwarto. Saka ko kinapa yung switch at bumukas ang ilaw. Saka ko kinuha yung cellphone ko sa akin bag.

Dinail ko kaagad yung number ni Imee. Buti kaagad itong nag-ring, nag-antay pa ako ng ilang segundo’t saka nya sinagot yung tawag ko.

“Kelangan mo na naman ng isang taong makikinig  sa mga nonsense mong problema?” bungad agad sa akin ng bestfriend ko. Buti nalang bestfriend ko sya, kundi sasamain sa akin itong isang ito.

“Wag mo na akong daldalan, masakita na nga itong nararamdaman ko eh. Kelangan kita ngayon, kelangan ko ng kausap. Dahil kung di mag-papakamatay ako” sabi ko sa kanya. Pero hindi ko babawiin ang buhay ko dahil lang sa ganitong problema, i maybe do other things, but not to kill my own self, ang dyos lamang ang syang may dapat gumawa ng ganun bagay at hindi ako o maski sinong tao.

“Ang drama mo. Sige ano yung problema mo” sabi pa nito na may halong sapilitan.

Saka ko kiniwento sa kanya yung nangyari kanina. Masaya yung mga unang mga naganap sa aming dalawa ni Karlo. Niyaya ako nito na lumabas at mag-simba, saka pumunta sa isang mall at kumain, nanood ng movie at nagdinner muli sa bahay nila.

Nasa loob ako ng kwarto ni karlo, patingin-tingin sa loob ng kwarto nito. Nakakamiss din kasing tumambay dito. Yung bang wala kang gaanong gagawin, uupu ka lang sa higaan nya. Saka unti-unting hihiga, tapos makakatulog ka na dahil sa sobrang tagal nitong dumating galing sa isang date,  para turuan ito sa isang subject namin na hindi nya raw naiintindihan. Saka gigisingin ako nito ng isang malakas na hampas ng unan. Saka na kami magkukulitan.

Sinabe nito na wala naman raw syang gaanong binago sa loob ng kwarto pero, yung ibang litrato namin noong kabataan namin na syang dating nakasabit malapit sa may computer area nito ay wala na. Yung Graduation picture naming dalawa habang hinalikan ako ni karlo sa pisngi na syang kinairita ko habang kinukunan pala kami ni tito Karl, ay wala narin sa Study Side Table nito na malapit sa ulunan ng kanyang kama.

“Sinabe ban yang, hindi nya mahal?” tanong pa sa akin ni Imee. Sinabe? Wala naman syang sinabe. Kundi humingi ito ng tawad sa akin. Pero matik na kasi yung eh. Naiintindihan ko na hindi na nya ako kayang mahalin. Hindi ko sinagot si Imee sa tanong nyang iyon.

“Ganito kasi, pinaglaruan mo yung puso nyan eh. Ayan na naman tayo. Masasaktan ka na naman sa sasabihin ko pero kelangan mo itong maranig. Masyado ka kasing Selfish. Masakit diba?. Isa pa, mapaglaro ka. Hindi mo alam? Hindi mo naman gusto?. Oo andun na tayo pero nakasakit ka ng damdamin ng iba eh. At isa pa, mahal na ni Karlo yun tao,may bago na itong mahal at kelangan mo itong respetuhin” mahaba pang litany ng aking kaibigan.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon