#ENTRY 51

1.9K 17 13
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 51

“kung talagang seryoso sa iyo ang isang tao, hindi nya hahayaang may kahating iba kesa sa iyo”

……………………………….

Karlo’s POV

Official na ba?. Hmmm hindi ko rin alam pero mas close na kami ni Adrienne ngayon kesa dati. At iniiwasan ko narin magalit sa kanya. Dahil mas gusto kong nakangiti sya kesa sa galit sya pero minsan namimiss ko rin na galit sya paminsan minsan nga lang .

“anong iniisip mo?” tanong sa akin ni Adrienne hindi ko pa kasi kinakain yung lunch ko nakatitig lang ako sa kung saan.

“ikaw” cheesy kong sagot sa kanya. Nagblush sya at halatang halata ito.

“kainis ka, tumigil ka nga dyan” sagot nito sabay hampas sa akin. Bakit ganito syang babae?. Yung iba kapag sinabehan ko nun eh maglulumpasay sa kilig ito? Nang hahampas. Sadista ang wala.

“pero sa totoo lang iniisip ko kung magiging tayo? Magiging Masaya ka ba sa akin?, magigng Masaya ba tayo?. Magiging maligaya ka ba sa akin Apem?”

Seryosong tanong sa kanya. Oo seryoso yung tanong ko. Wala ngiting bumalid sa aking mga mukha kundi nakatitig lang ako ng diretso sa mga mata ni Adrienne na may mga tanong sa kanyang paningin.

“Karlo naman” hinawakan ni Adrienne yung kamay ko. Ang lamig ng kamay ni Apem ng mga oras na iyon. Medyo basa at halatang kinakabahan din ito.

“bakit ba this few weeks eh lagi mong sinasabe yang mga katagang yan?. Kung magiging Masaya tayo? Yung mawawala ka. Yung kung mamamatay ka? Adik ka ba?”

“we assume na bukas mamamatay na ako? Please wag kang umiyak ah?”

“tanga ka ba? Hello? Mahal na kaya kita tapos sasabihin mo hindi ako iiyak? Gago ka ba? Ngayon palang iiyak na ako para bukas kung maubos man yung luha ko atleast nasabi ko na mahal kita sa huling hininga na meron kang gago ka adik ka…wag kang mamatay kundi ako ang papatay sayo”

Babala pa nya sa akin.

Nagsimula ng umiyak si Apem ng minutong iyon. Nakakatuwa talaga syang badtripin. Pero sa totoo lang kumirot ang puso ko sa sinabe nya.

“halika ng dito” hinagkan ko sya ng kay higpit. Saka ko hinalikan ang kanyang noo.

“oo na pipilitin kong mabuhay ng matagal makasama ka lang baliw ka” pangako ko pa kay Adrienne. Pero yung pangako kong iyon eh hindi ko pa sure kasi si bro lang naman ang makakapagsabi kung kelan na nya ako kukunin pero sana wag muna ngayon kung kelan na ako nagiging Masaya sa buhay na ibinigay nya eh doon pa nya ako babawiin?.

Wag muna please? Bro!

………………………………………….

Camp Day.

Alam na ng buong campus na ako at si Adrienne ay nagdadate. At patuloy parin sa pangliligaw si Bench at hindi parin ito nawawalang ng lakas ng loob na muling makuha ang damdamin ni Adrienne sa akin.

Si Gravity ang Game Master ang syang naatasan na gumawa ng kung anek anek na laro para maging Masaya raw ang Camp Day na ito.

3 days and 2 nights kaming magsasama dito sa Antipolo. Para sa aming annual Camp Day. At para magkaka-kilanlan din raw yung ibang estudyante at para malaman ang mga kanyang kanyang lakas at talino sa mga larong gagawin naming at para mag-enjoy rind aw. Exciting? Pero ako? Hindi kasi hindi kasi nila alam na may sakit  ako sa puso kaya kung Adrienne ang magiging premyo ng larong gagawin namin ni Bench eh lalaban talaga ako.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon