#TGFY 4

961 9 2
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 4

“Madaling sabihing mahal mo ang isang tao, pero ang mahirap dito ay yung iparamdam mo sa kanya yung totoo”

-Adrienne.

……………………………..

Adrienne’s POV

Alam ko na sa ginawa kong iyon eh nagulat sya.

Nanlaki ang mga mata ni Karlo sa pagsampal ko sa kanya.

“Bakit?” tanong pa nya sa akin habang hinawakan nito yung kanyang pisngi dahil sa malakas na pagsampal ko.

Nanginginig parin yung kamay ko.

Nang-gagalaiti parin ako sa sa ginawa nya.

“Anong karapatang mong saktan yung mga kaibigan ko ah?” sabi ko pa sa kanya.

“Huh? Kelan mo pa naging kaibigan si Bench?” singhal pa nya sa akin. Garalgal yung boses nya na para bang may kung anong nakaharang sa kanyang lalamunan.

“Wala kang pakialam kung sino ang mga taong gusto kong maging kaibigan. At lalong lalo na wala kang karapatan na saktan sila”

Lumapit pa si Karlo sa akin para hawakan yung kamay ko pero kaagad kong iniwas yung sarili ko sa kanya.

“Wala ka ng ginagawang maganda karlo. Puro nalang sakit sa ulo ang ibinibigay mo sa akin. Mabuti pa na lumayo na ako sa iyo”

Mas nilapit ni Karlo yung sarili nya sa akin at nahawakan nito yung kamay ko at lumuhod ito sa  aking harapan.

“Please Adrienne. Wag kang lumayo, hindi ko kayang lumayo ka sa akin. Ok susundin na kita, hindi na kita kukulitin, hindi na ako gagawa ng bagay na ikakainit ng ulo mo pero please wag mo namang ilayo sa akin yung bestfriend ko”

Parang may kumurot sa puso ko noong sinabe ni karlo na “ wag mo namang ilayo sa akin yung bestfriend ko”

Atleast ngayon alam ko na bestfriend parin pala nya ako.

Hindi na ako sumagot bagkus tumalikod ako at iniwan ko na sya, pumunta ako sa direksyon ni Bench saka sya inaalayan papunta sa clinic para gamutin yung mga kaunting sugat na kanyang natamo.

……………………………..

Lunch break kasama ko si Bench.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon