KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 18
KARLO’S POV
Palabas ako ng school, ng may mapansin akong isang babaeng parang may tinitingnan sa labas ng gate ng school. Wala kasi yung guard ng oras na iyon. Hindi ito nakauniform, maganda sya mukhang may lahi intsik? Korean? Whatever, I don’t care.
May lumapit na batang nagbebenta ng sampaguita sa kanya.
“miss bili na po kayo ng sampaguita please.” Nakakaawa yung mukha ng bata. Wala itong tsinelas may uhog pang natuyo sa mukha nito, at ang dugyot tingnan dahil sa mga usok na nakukuha ng katawan nito sa pag-gala sa kalsada.
Tiningnan ng babae yung batang nagbebenta mula paa hanggang sa mukha nito.
“nasa simbahan ba ako? Bakit parang ang daming nagtitinda ng sampaguita dito?”
“bibili na po ba kayo?, please bumili na po kayo gutom na po kasi ako eh.” Pagmamakaawa pa ng bata sa babaeng maganda.
“hindi ko kasalanan kung nagugutom ka. Kasalanan yan ng mga magulang mo. At isa pa wag mong isisi sa mundo kung bakit ka naghihirap ngayon kung bakit ka nagugutom ngayon, tama yang ginagawa mo magtrabaho ka para paglaki mo maging mayaman ka at hindi ka na gumagala-gala dito sa kalsada.”
Yung totoo ate?. Nilait mo lang yung bata eh. Hindi ka naman bumili, sinira mo pa yung loob ng bata?. Sinira ba? O binigyan ng lakas ng loob? Hindi ko rin kasi sya maintindihan. Nasabi nya yung mga salitang iyon, pero hindi naman sya bumili. So pinaninindigan nyang hindi sya bibili at tutulungan man lang yung batang kanina pa nagmamakaawang bumili ng tinitinda nya.
Saka na ako lumapit sa bata. Inabutan ko ito ng bente pero hindi ko kinuha yung sampaguita. Saka ko ginulo yung mukha ng bata at pinaalis na ito. Tumingin ako sa babaeng maganda.
“yan, kayo. Kayo ang may kasalanan kung bakit dumadami ang mga katulad nila, kasi patuloy kayong tumutulong sa kanila. Pero sa totoo lang naman eh hindi nyo sila tinutulungan kundi pinapaasa nyo sila sa mga perang ibibigay nyo.”
Hindi ko na kinaya yung pagiging sarcastiko ng babaeng ito. Ano bang problema ng babaeng ito?
“atleast ako may nagagawa. Kumikilos ako, may naitutulong ako. Kesa naman sa ginawa mo. Nilait mo na yung bata. Pinaiyak at pinaasa na bibilin mo yung tinitinda nya. Sana pinaalis mo nalang sya mas maiintindihan pa nya pero anong ginawa mo? Sa tingin mo yung mga sinabe mo maiintindihan nya?, oo tama ka. Tama ka sa sinabe mong hindi mo kasalanan o ng mundo kung bakit sya naghihirap. Pero ang tanong eh, kasalanan rin ba ng batang iyon? Kung bakit sya ganun?.
….na sana eh nasa school sya ngayon at nag-aaral. Naglalaro, Masaya pero ano? Anong ginawa mo sinira mo yung loob nya.”
Sabay bumalik yung bata. Nakatitig sa aming dalawa. Sa pag-sasagutan naming dalawa ng magandang babaeng iyon.
“nag-aaway po ba kayo?” tanong pa ng bata sa aming dalawa habang nakatitig ito. Shit hindi ko napansin na hindi pa pala nakakaalis o biglang bumalik yung bata. Para ano?.
Lumapit yung bata sa babaeng maganda. Hinawakan nito yung kamay ng babae. Ngumiti saka nagsabing.
“salamat po sa sinabe nyo. Kahit na hindi ko po gaanong naiintindihan yun. Eh tatandaan ko po yung sinabe nyo, wag po kayong mag-alala, sideline ko lang poi to, pumapasok po ako sa school. Salamat po ate.” Sabay tumakbo na yung bata paalis. At biglang huminto ulit.
Tumingin naman ito sa akin.
“salamat din po kuya, kung ako man po yung pinagtatanggol nyo eh salamat po. Nag-away pa kayo ng girlfriend mo dahil sa akin salamatttttttttttttttt.” Patuloy na itong umalis palayo. Tumingin ako sa babaeng maganda, pero noong mga oras na iyon ay nakangiti na sya.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)