#TGFY 12

810 11 6
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 12

“Yung Makita ko ulit na nakangiti sya, hindi dahil sa ok na sila. Kundi dahil sa okay na ulit kami. Masaya na ako, hindi, sobrang saya ang nararamdaman ko”

-Karlo.

…………………………………..

Adrienne’s POV

Pagkagising ko. Masaya at nakangiti si mommy noong sinalubong ako nito pagkatapos kong lumabas sa kwarto ko.

“Anong meron?” tanong ko pa sa kanya. With suspicious look.

“Mukhang, Masaya ka kasi eh” sagot pa ni mommy, saka inilatag na nito yung plato, at yung ulam na niluto nya kaninang pang umaga.

“Huh?. Mommy!” nakahalata kaya ni mommy, na ok na ako?. Na ok na ulit kami ni Karlo?. Na sa wakas nakapag-usap na ulit kaming dalawa, na yung problema namin, ay napag-usapan at naayos na naming dalawa?.

“Nga pala, tumawag si karlo kanina, at sabi nya, ihahatid ka raw nya papasok” huh? Ihahatid ako papasok ni Karlo?. Wow nakakamiss yun. Sabay kaming maglalakad palabas ng village, then sasakay kami ng jeep papasok sa school. Nakakamiss yun. Pero? Paano si Bench.

Tumayo ako. At mabilis kong kinuha ang phone ko sa kwarto ko’t tinext si Bench.

“GoodMorning Bench, uhm. Wag mo muna akong ihatid ngayon, kasi...” nagdadalawang isip pa ako na sabihin yung tungkol sa amin ni Karlo. Na ok na ulit kami, baka kasi hindi nya maintindihan, at baka mag-pang-abot pa silang dalawa at magkagulo pa.

…si karlo kasi ang maghahatid sa akin, I’ll explain to you later.” End of text then send to bench.

Saka ako bumalik sa kusina para kumain na syang niluto ni mommy para sa akin.

………………………………

Karlo’s POV

Nasa bahay na ulit ako ng bestfriend ko. It’s been a while since nakatapak ako sa bahay nila. At sobrang nakakamiss na makatapak sa bahay na ito. Naalala ko pa. kapag hindi pwedeng lumabas si Apem, dahil sa may karamdaman ito. Ako itong pumapasok sa bahay nila, para makipaglaro sa kanya. At lagi ko na itong ginagawa  simula noon.

Kumatok ako sa pintuan ng bahay nila. Si tita marie ang unang lumabas at bumungad sa akin. Saka lumabas sa likod ni tita si Adrienne. Ngumiti ako, na parang aso, inayos ko pa yung buhok ko na medyo gumulo nang minutong iyon. Parang sa isang fairytale. Inilaan ko yung kamay k okay Adrienne, para alalayan itong bumaba sa hagdanan. Tumingin pa si tita marie  sa ginawa ko. At napatingin rin ito kay apem. At Adrienne just me a weird look. At wala na itong nagawa kundi ang ibigay sa akin yung malambot nyang kamay at saka ko sya inalalayan pababa sa hagdanan.

“Ang weird mo” bulong pa sa akin ni Adrienne.

“Bumabawi lang ako isang buwan na hindi kita nakasama” pag-papaliwanag ko pa sa kanya. Pero yung totoo, may nararamdaman parin ako sa kanya. Pero dahil sa ayaw ko na magkaroon ulit kami ng problema dahil sa nararamdaman ko sa kanya. Ako na itong dapat umiwas. I mean hindi literal na iiwasan ko sya. Kundi yung damdamin ko sa kanya.

Sumakay kami sa isang jeepney. Patungon sa aming paaralan. Hinawakan ko pa yung kamay ni Adrienne, dahil sa overtake yung jeepney driver at muntikan nang madausdos itong si Adrienne. Napating pa sya sa paghawak ko ng kamay, at saka ko ito binitawan.

Pagkaratig namin sa harapan ng aming paaralan, nakita ko kaagad si Bench. Saka ako dumistansya ng kaunti. Tumingin si Apem sa akin at napansin nito yung pag-hiwalay ko sa kanya ng kaunti. Pero hinila ako nito, palapit kay Bench.

Nakatingin at tulala si Bench noong nasa harapan na nya kaming dalawa.

Samantala, hindi maalis sa mukha ni Apem yung saya na nararamdaman nya gayong ok na ulit kaming dalawa.

“Anong ibig-“ hindi pa nataposa sabihin ni bench yung itatanong nya nang sumagot na si Apem para sa kanya.

“Wag kang mag-isip na kung ano-ano dyan Bench.”  Muling tumingin si Apem sa akin, na kasama yung masayang ngiti nito.

“Me and my Bestfriend Karlo…” at tumingin ulit ito.

“ay okay na ulit” sabi pa ni Apem.

“what do you mean, okay?” pagtataka pa ni Bench.

“Okay as in, o-k!. magkaibigan na ulit kami. Wala na yung chuchuran namin sa isa’t isa” oo hindi nya masabi ng diretso kay bench yung gusto nyang sabihin. Kahit ako wala akong balak ipaliwanag sa kanya kung paano at anong ginawa ko, para maing okay ulit kaming dalawa.

Sumagot na ako. Inilabas ko na yung kamay ko sa bulsa ko.

“Magkaibigan na ulit kami. Wala na yung issues sa aming dalawa, wala na akong gusto sa kanya. Narealize ko, na kung ipagpapatuloy ko pa yung nararamdaman ko sa kanya, tuluyan na syang mawawala sa akin. Hindi dahil sa mapupunta na sya sa iyo, kundi, ayaw ko na pati yung pagiging magkaibigan namin ay mawala dahil sa lintek na nararamdaman ko sa kanya”.

Wow! Bow! Karlo. Ang Martyr ng taon!.

Ngumiti lang si Bench. Saka kinuha na nito yung kamay ni Apem at sabay na silang naglakad palayo sa akin. Kinawayan pa ako ni Adrienne bago pa sila makalayo. Kumaway narin ako saying goodbye to each other.

Napatingin naman ako sa gilid ko. At nakita ko na nagbubulungan sina Ayris at Trixie. Masama parin ang tingin sa akin ni Trixie ng minutong iyon. Part of me are still saying that, wag ko na silang pansinin, pero may kelangan akong gawin para maging okay na ang lahat, at para hindi narin nila saktan o gawan nang masama yung bestfriend ko.

Muli kong nakita ang mga kaibigan ko. Sina Timothy at Gravity. Naglalakad papasok sa gate. Tumakbo ako at dinaganan sila. Nagulat ang dalawa. Nakatinginan pa sila. Para bang nagtataka, sino ito. Bakit bigla syang naging ganito?. Anong nangyari?.

“karlo?, okay ka lang?” hinawakan pa ni Gravity yung noo ko na para bang gusto nitong ipahiwatig kung may sakit ba ako o may masama ba akong nararamdaman, sa minutong ito.

“Gago okay lang ako guys, I just miss you hanging to all of you, most especially sayoooooo” sabay ginulo ko yung buhok ni timothy. Ahhahaha gustong gusto ko talaga na ginugulu yung buhok ni tim. Dahil nagagalit ito kapag ginagalaw ko ito. Bwahahahaha nagdidikitan na naman yung noo nya . nagfoform na naman na Majimbo yung noo nya. Letter M. kumbaga!

“We miss you too, Bro!” sagot pa ni Gravity.

“So?, you and Adrienne, are also okay na?” tanong pa ni Tim.

“hmmmm” sagot ko.

“Silent means Yes, so okay na nga kayo. Pero? Paano yung nararamdaman mo sa kanya?” pagtataka pa ni Gravity. Huh? Bakit ganun nalang kasi ka concern, sa nararamdaman ko sa bestfriend ko?.

“Wala na” matipid kong sagot. Saka naglakad-lakad.

“Wala na???” pagtataka pa ni tim.

Sabay hinablot ko yung bag nito, at mabilis na tumakbo.

“Sasabihin ko sa iyo kung, mahahabol mo ako.” Sabi ko sabay tumakbo palayo sa kanya. Just like before. Yung kulitan naming apat. Ako, si Gravity, Timothy at si Bench. Nakakamiss din pala.

At sobrang namimiss ko na sila.

Ilang, buwan nalang, Graduation na…kaya wala na akong karapatan para, mag-tanim pa nang mga hatred sa aking puso. Mas gugustuhin ko na magiging Masaya at memorable ang mga natitirang araw ko sa paaralan at bilang isang highschool student.

……………………………………..

All Right Reserved 2013

Copyright By: Mervin Canta

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon