THE GIRL FROM YESTERDAY
A/N: i would like to dedicated this chapter kay TiemosPatrickTiempo, dahil sa nagma-kaawa syang idedicate ko naman sa kanya ang isang chapter ng book2 ng kumusta kras mo. haha dahil sa natuwa ako sa iyo. your wish is my command. Charan! with sprikle of love.
Choss lang yung nagmaka-awa. haha pero maraming salamat at sana patuloy parin kayo sa pagsuporta sa book 2. gaya ng suporta nyo sa kumusta kras mo?. mas serious phase ito ng kwento kaya kelangan natin ng medyo mataas na emosyon dito. haha sabe?.
ang ingay ko na. sige...hala..basahin na ang chapter na ito.
loveyouallmhuawwwww
xoxo
Wackymervin.
#TGFY 8
“Malapit ko na syang magustuhan, hindi dahil sa magagandang pinapakita nya sa akin, kundi dapat ko nang magdesisyon sa mga ginagawa nya sa akin, para walang masaktan at para hindi narin ako maka-sakit pa.”
-Adrienne.
……………………………………..
Adrienne’s POV
After Class, isinakay ako ni Bench sa loob ng kotse nito, kelangan raw naming mauna para maihanda yung mga kakainin at mga kelangan para sa practice. Although inutusan na nito yung mga kasambahay nya na gawin yung mga dapat nilang gawin bago pa man kami makapunta doon.
Hmmm nakakaramdaman ako ng excitement kasi, first time ko lang kasi na magkaroon ng ganitong Grouping, usually kasi hmmm lagi nalang ako mag-isa kapag gumagawa ng project o di kaya kaming dalawa ni Karlo ang laging magkapartner. Pero ngayon ang dami namin. At yung mga tunay at buhay na Character sa aking kwento ay kasama ko mamaya.
“Are you Excited?” tanong pa ni Bench habang minamaneho ang direksyon papunta sa kanyang bahay.
“A little Bit” sagot ko, sabay iniwasang tumingin sa kanya.
“Nervous?” tanong nya ulit.
“Hmmm Konti lang” sagot ko. Saka biglang hinawakan ni Bench yung kamay ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi tumingin sa kanya. He smiled at me then he said.
“No need to worry, everything will be alright ok?. Basta gawin mo yung part mo. Then gagawin din namin yung part namin. At wag kang mag-alala, walang magaganap na away or gulo. I promise ok?” he re assured me, na walang magaganap na kung anong bagay sa bahay nila. Well over night nga raw ito so, ibig sabihin eh hanggang umaga doon kami sa kanila. Pero iba kasi yung nararamdaman ko ngayon.
Feeling ko talaga may mangyayari. Hays!!!! Erase erase erase. Don’t think negative Apem. Haysssssss
After a few minutes nakarating narin kami. Nauna nap ala sina Karlo, kasama sina Timothy at Gravity. Samantala, halos kasunod lang namin sina Trixie at Ayris at Imee.
Lumapit pa si Imee sa akin, hinila ang braso ko’t kinausap ako doon banda sa may likod ng poolside may mga halaman malalaki doon ako kinausap ng kaibigan ko. Oo may kaibigan akong babae, at ito ay si Imee. Konti lang yung part nya sa kwento pero napaka-importante. Pero nang oras na hinila nya ako ay hindi maganda ang timpla ng bestfriend ko.
“Ano to Adrienne?” medyo mataas ang boses nya ng oras na iyon. Iba rin yung titig nya sa akin kahit na medyo madilim sa part na kung saan kami nag-uusap.
“Uh, May practice tayo, TAYO. Tayong lahat para sa play” mahinang sagot ko, pero feeling ko hindi iyun nagustuhan ni Imee.
“Oo andun na tayo pero, Andito yung babaeng sinaktan mo, tapos andito rin yung lalakeng pinaasa mo”
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)