#ENTRY 42

2.2K 24 3
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

A/N: happy16k po sa ating lahat. Lubos puso akong nagpapsalamat sa inyong lahat. At dahil dyan tatapusin ko na po ito hanggang chapter 40 nalang po  to. Seryoso ako. Chapter 40 nalang po ito, at kung sino man ang mag-rereklamo na kung gusto pa nilang dugtungan o makiusap eh gusto nyo kayo nalang ang mag-sulat basta hanggang chapter 40 nalang ito. Wala na kayong magagawa.

(insert galit emotion). Nakakadismaya kasi. Nagsusulat ka pero wala namang kokoment. Pwedeng magcomment libre lang po. Yung votes pwede rin po. Kaya kung ako sa inyo magcomment kayo kung ayaw nyog uminit yung ulo ko at gawing chapter 100 ito.

Charot.

Xoxo

Wackymervin.

#ENTRY 42

“hindi porket may hawak kang payong hindi ka na mababasa. Tulad ng pag-ibig, hindi porket mahal ka nya, hindi ka na nya sasaktan.”

-Sic Santos aka. Owwsic

…………………………….

Adrienne’s POV

Lutang parin ang isip ko noong iniwan ako ni Bench sa loob ng school. Una sa lahat wala pa akong lunch kaya gutom narin ako ng oras na iyon. Tapos yung pag-amin nya pa sa akin tapos yung pag-wasak ko sa puso nya?. Yung sinaktan ko sya?. Oo I admit na sinaktan ko sya.

Maybe that’s my way of saying that I don’t like him. Para narin siguro sa kanya ito. Kung ako yung magiging girlfriend nya eh hindi kami magiging Masaya?. Bakit? Eh nakatali ako sa isang tao mahal ko pero hindi ko naman alam kung mahal din ako?.

Nakakainis ka karlo.

…………………………..

After few hours napansin siguro ni Gravity na hindi man lang nag-paalam si bench ng umalis ito at halatang iniiwasan ako nito.

“may problema kayong dalawa?” tanong ng bestfriend kong ususero.

“halata ba?” tanong ko sa kanya. Oo halatang may problema kaming dalawa. Gusto ko syang kausapin, gusto kong humingi ng tawad sa kanya pero nauunahan na ako ng hiya ko. Hiyang hiya ako sa ginawa ko parang akong tanga.

Para akong gago. Sinaktan ko ang isang pusong walang ginawa kundi mahalin lang naman ako.

Sinugatan ko yung isang puso na walan namang ginawa kundi tumibok sa akin. Napaka-gago ko. Napaka-bobo ko. Siguro pag-sisisihan ko itong desisyon ko?. Siguro isang araw maalala ko rin ito.

Hiniwakan ni Gravity yung kamay ko. Nakikita kasi nya na bigla akong nalungkot noong sinabe ko na halata ba? Na may problema kaming dalawa ni Bench.

“bestfriend. Don’t worry maiintindihan Karin ni bench.” Niyakap ko sya. Kahit na medyo walang kwenta itong si gravity eh ok rin kasi ito eh. Ok na ok ito magbigay ng salitang makakapag-paganda ng aking loob.

Hanggang sa bahay ay halata ang pagiging tahimik ko.

Hindi ako kumain ng dinner at pinagalitan pa ako ni mommy kung bakit hindi ako kumain ng dinner sabi ko lang eh wala talaga akong gana. Nagtaka rin ito at nangamba pero sabi ko eh “ok lang ako” wala akong problema. “wala lang talaga akong gana” sana na nya ako iniwan. Iniwan ng tuluyun. At pinabayaan na nya akong mag-isa sa kwarto naglock at nag-iisa muli.

Nakita ko yung teleponong lata. Gusto ko itong hawakan gusto kong kausapin si karlo. Gusto kong marinig yung boses nya. Gusto kong awayin nya ako. Gusto kong magkulitan kaming dalawa.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon