#ENTRY 16

2.9K 32 3
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 16

Kinagabihan.

Nasa couch kaming dalawa ni karlo. Pati ako nagagaya na sa pagiging weird nang lalaking ito. Nagbabasa narin ako ng mga libro.

Una kong binasa ay yung kwentong. 50 shades of Grey. Kung hindi nyo alam yun eh, basahin nyo, ang ganda ng kwento at ang pagkakaalam ko magiging movie na raw ito. Hmmm promise kapag naging movie ito, sasaguting ko na yung lalakeng mangliligaw sa akin. Hehe ang babaw ampota.

“hoy? Anong binabasa mo?” tanong ko pa kay Karlo.

“wala kang pakialam, mind your own business.”

may regla na naman, nagtatanong lang eh, grabe ka naman.

“ano nga?”

Sabay kinuha ko yung librong binabasa nya.

“bakit hindi ka crush ng crush mo?” lumakas ang tawa ko. Hahahahahahhaa

“sino bang kras mo? At bakit ka nagbabasa ng mga ganito? Yaks bading ka ba karlo?”

“kung bading ako, eh hindi na sana ako maiinlove sa iyo”

?????

What? Wait lang. ulitin mo please. Hindi ko gaanong narinig. Hindi ko gaanong maintindihan

Natahimik ako.

“umamin ka nga?, kras mo ako?”

“tanga. Joke lang yun. Oo bading ako”

Hala? Ambilis magbago ng isip?. Sabay umakyat na sa kwarto nito si karlo.

At iniwan nito yung librong binabasa nya. Kinuha ko ito, at dinala para ihatid sa kwarto nya at isuli.

“karlo papasok ako ok lang ba?”

“hindi”

Kahit na ayaw nya akong papasukin eh, pumasok parin ako.

“alam mo ba yung salitang privacy? Meron ka ba nun? Siguro wala?”

“sorry wala talaga ako nun, hoy batugan ano bang problema mo, bakit ang init init ng ulo mo?”

“buti nga yung ulo ko lang ang mainit eh, hindi yung katawan ko.” Sabay masama ang tingin sa akin ni karlo.

“ang manyak mo.”

“bakit? Babae ka…tapos lalake ako,tapos nasa isang kwarto lang tayo? Ano kaya ang pwedeng mangyari?” hala manyak talaga itong si karlo. Gosh…tulungan nyo po akoooooooooooooooooo.

“subukan mo lang, babaliin ko ang lahat ng pwedeng baliin sa iyo” palapit na si karlo. Gosh anong gagawin ko?.

Hindi makagalaw yung katawan ko. Parang nastuck sa isang lugar sa kwarto ni karlo yung paa ko at hindi ito makagalaw.

“isa pa paglumapit ka sisipain talaga kita”

Palapit ng palapit si karlo sa akin.

“mukhang pinagpapawisan ka ah?, gusto mo bang mas pagpawisan pa ah?” yung hininga nya ang bango. Nagsisitayuan na yung mga maliliit kong balahibo. Hininga palang nya yung nagtatayuan na yung balahibo ko. Paano pa kaya kung hinawakan na nya ako? At hinalikan tapos, ipinasok yung dapat ipasok tapos? Hayyyyyyyyyyyyyy ano ba itong sinasabe ko?.

Pinaikot-ikutan ako ni karlo. Nakatitig ito sa akin habang ginagawa nya iyun.

At huminto sya sa harapan ko.

“don’t worry first time ko rin ito” pakyu ka. First time ko rin naman ito ah? Hayup ito.

“I’ll be gentle don’t worry” mukha mo. Bilisan mo na hehe

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon