#ENTRY 14

3K 29 7
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 14

HINDI, hindi talaga maalis sa isipan ko yung mukha, tindig at pananalita ni bench.  Sana magkita ulit kami. Nakatitig ako sa labas bintana ng silid-aralan namin. Wala ako sa mood na makinig sa klase namin sa math kasi, naboboring ako sa subject na iyon, at isa pa bobo ako sa subject na iyon. Aminado ako hindi ako magaling sa matematica. Pero kung tatanungin mo ako kung anong sagot sa tanong na ito.

1+1= syempre 2 ang sagot.

……………………….

Pinutol ng isang malakas na paghampas ng guro namin sa blackboard ang hawak nitong stick, ang pagsesenti ko ng oras na iyon.

“listen class” sabay umayos ako ng pag-upo. At kunwari interesado akong makinig sa sasabihin nya.

“we have a new student, he came from the pretigious school of art but eventually he transferred here on our school because of some matter and it’s not making any sense kung sasabihin pa namin yung dahilan sa inyo.”

“yah your right.” Biglang sagot ko. Bigla nalang silang nagsi-tinginan sa akin.

“anong sinabe mo miss. Gonzaga?” hala? May sinabe ba akong masama?. Nagcomment lang naman ako ah?. Hays ito kasing dila ko ang daldal wew. Sorry po!.

Nakataas parin ang kilay ng mathematics teacher namin sa akin. Noong biglang may pumasok sa loob ng silid aralan namin.

“oh here he comes.” Sambit pa nito sa lahat ng mga estudyante sa loob.

Pumasoka ng isang maputi, matangkad, naka salamin, at gwapong bagong estudyante.

He looks so familiar to me.

Sabay nagpakilala na ito sa aming lahat.

“please introduce your self” sabi pa ni teacher

Ngumiti muna ito sa buong klase. At medyo mahaharot kasi yung ibang babaeng klasemyets ko kaya ayun kinilig sila. Hanggang sa….

“I know you.” Sabay turo sa direksyon na kinauupuan ko.

“ako?” sabay turo ko sa sarili ko.

Tumingin ako kay gravity. “hoy ikaw, kilala mo ba yung lalakeng iyon?” tanong pa sa akin ni gravity.

“malay ko, hindi ko pa sya nakit….ahhhhh ok nakilala ko na sya.” Sabay napangiti na ako.

Lumapit yung bago naming classmates sa akin. Lumuhod pa ito. Shet ano bang ginagawa ng lalakeng ito?

“natatandaan mo ba ako?”

“hindi”

“pwes ipapaalala ko sa iyo” kinuha nya yung kamay ko at sabay hinalikan ito. Then the crowd cheered. Mamatay na inggetera.

“I’m Bench remember?, tadhana talaga ang lumapit sa atin para muling magkita, nakatadhana tayong dalawa….ano nga palang pangalan mo?”

“a-ahmmm, Adrienne”

“what a beautiful name for the beautiful girl like you” sabay hinalikan nya ulit yung kamay ko. Nakakadala ka na ah?.

Oo ang bago naming classmates ay si Bench “Benji” Chan. Medyo sosyal medyo may saltik at higit sa lahat medyo Pogi. Hihi.

………………………………..

Lunch break. Kasama si Gravity at ang bago naming classmates, pinagtitinginan kami lalo na ako ng buong campus.

“sino sya?”

“sya ba yung bagong estudyante dito?”

“shit ang gwapo nya”

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon