#TGFY 39

502 9 6
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 39

“Masaya na ako, sana maging Masaya narin siya, dahil mas magiging Masaya ako, kung makikita kong muli yung tunay na ngiti niya.”

……..

Karlo’s POV

                Nakakapagod, yan ang isang salitang bagay na bagay sa araw na ito. Pero kahit na sobrang nakakapagod ang araw na eto, hindi parin mawala ang ngiti sa mga labi ko.

Magkatabi na kami ni Sophia sa kama, yung ulo niya ay nasa aking balikat. Halos naamoy na nito ang aking kili-kili. May pagkakataon pang hinahalikan ko siya sa kanyang ulo, at niyayakap ng mahigpit. Wala kaming salitang inilalabas sa aming bibig, pero alam ko kung gaano naming kamahal ang isa’t isa.

Hanggang sa si Sophia na ang pumutol ng katahimikang iyon.

“Baby? Si Adrienne, okay kaya lang siya?” tanong nito sa akin. Habang nakatitig sa akin mukha. I kiss her eyes, her nose down to her lips. Medyo tumagal ako ng ilang Segundo doon at saka ako sumagot sa kanyang tanong.

“Magiging okay din siya” sabay hinigpitan ko muli yung yakap ko sa kanya. Pero pumiglas si Sophia at bigla nalang umupo sa kama. Inuntog ko ang ulo ko sa unan.

“What’s bothering you?” tanong ko sa kanya.

“Marami akong dapat, ipag-pasalamat sa kanya. Sa totoo lang, hinanap pa niya ako para lang tulungan kang gumaling sa sakit mo. At ngayon na magaling ka na, iniwan mo pa siya, and you choose to live your life to me.” Malungkot na boses ni Sophia.

Tumayo ako sa kinahihigaan ko. At patalikod ko siyang niyakap. Yung mukha ko ay nasa balikat niya.

“Dahil mahal na mahal kita.” Sagot ko sa kanya, lumingon si Sophia sa akin, na may tanong parin sa kanyang mga mata.

“Minahal mo ba si Adrienne?” seryosong tanong nito.

“Are you sure, you want to open this topic?” ngisi ko, sabay bahagyang umurong sa kanya. Humarap na si Sophia sa akin, and this time seryoso na talaga siya. I gave her a deeply sigh that time.

“Okay, honestly. I love her so much. Kelan ba yung unang araw na naramdaman ko na mahal na mahal ko na siya, siguro yung panahon na maagawa na siya sa akin ng iba. Yung bigla nalang kasi siyang nagbago, maraming bagay sa kanya ang nagbago. Tumangkad siya, medyo kuminis ang balat niya na dating medyo maitim. At nagkalaman narin siya hindi katulad ng dati. At higit sa lahat, gumanda siya.” Seriously, I really don’t understand why I’m saying this in front of my wife. I know that, masasaktan siya sa mga sasabihin ko, pero I want to end this up for the last time. Ayaw ko nang magtago ng mga Secrets, since we are married today. And we vowed to each other na no secrets, and we love each other till our last breath.

“Minahal mo ba talaga siya?” tanong pa ni Sophia.

“Yes, minahal ko siya. Minahal ko siya nang sobra. to the point na, mas pinili ko siyang mahalin noon kesa sa iyo. I know na masakit ito sa iyo, pero ayoko na kasing magtago nang mga sikreto, lalong lalo na sa iyo. Pero nakakapagod maghabol sa isang taong, inaantay kang mahalin. Yeah, I waited to how many years, at hindi ako nagsasawa, pero napagod ako. Na parang mas okay na magkaibigan kami, kesa sa maging magkarelasyon kami. Atleast, walang iwanan, walang  kelangang closure, walang bitterness sa isa’t isa. Walang selosan at higit sa lahat, hindi siya mawawala sa akin at ganun din ako sa kanya. At mahal na mahal parin naming ang isa’t isa, bilang magkaibigan”

Saglit na tumahimik si Sophia. Tumingin sa may litrato naming pamilya, sa may side table. Kinuha niya ito, at bigla nalang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon