#ENTRY 29

2.5K 21 7
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 29

Hindi ako nakapasok, bigla kasing sumama yung pakiramdam ko noong umaga. Ginising ako ni tita kasi nagtataka na ito dahil magtatanghali na pero hindi parin ako nagising.

At sinabe ko na nga sa kanya na hindi ako makakapasok dahil sa masama yung pakiramdam ko. Kaagad nyang tinawagan yung school representative namin, at sinabe nga nito na hindi ako makakapasok.

Inasikaso ako ni tita just like what mommy did.

Buong araw ay nasa kwarto lang ako. May pasok sana si tita noon pero nag-absent sya for me.

Magagalit raw ang mommy ko kung pababayaan nya ako na mag-isa dito sa bahay ng walang kasama at masama pa ang pakiramdam.

“tita ok lang po ako”

“hindi…hindi ka ok, kung ok ka edi sana nasa school ka ngayon. Hindi ka nakahiga dyan, hindi mainit ang katawan mo, hindi ka pinagpapawisan ng malamig, hindi ka nahihirapan huminga, sabihin mo nga sa akin karlo may sakit ka ba?”

Tumitig ako sa kanya, nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ako sumagot, hindi ako nakasagot kaagad.

It takes a few minutes para sagutin ko yung tanong nya. Tama ba nasa sabihin ko sa kanya na mayroon akong karamdaman?. Baka kasi kapag sinabe ko pa yun eh mas alagaan pa nya ako ng mabuti, bantayan tapos baka mag-hire pa sya ng private nurse to check up me everyday. Wag nalang.

“wala po…wala po akong sakit, ito po eh sakit ng katamaran lang po ito tinatamad lang po talaga ako pumasok” sabay kamot ng ulo.

“sige magpahinga ka na” palabas na sana si tita ng kwarto ko ng bigla itong bumalik.

“hmmm kamusta naman si Apem sa school?, hindi ko na kasi sya nababantayan eh. Ayaw nya rin kasi na binabantayan sya. Yung bestfriend nyang si Gravity eh kapag tinatanong mo naman eh, parang walang magandang sinasagot sa akin feeling ko tuloy may ginagawang kakaiba yung anak ko sa school nila, pero lately parang naging palaaral sya, nakita ko pa nga kayo na nagsasabay na nag-aaral, rereview nagbabasa ng notes salamat ah”

Nakangiting sabi ni tita sa akin, siguro nga napapansin na rin nito ang unting-unting pagbabago ng ugali ng kanyang anak.

From being Rude to respectful

From being lazy to study hard person

From being jerk to simple Girl.

Malaki na nga ang pinabago ni Adrienne. In just two weeks nabago ko sya, pati yung feelings nya sa akin eh parang nabago narin.

Hindi na nya ako tinitignan, sinisilip, ginugulo.

Hindi na nya ako sinisigawan, inaaway, hinahatak, sinasampal, hanahampas.

At higit sa lahat mukhang hindi na nya ako mahal.

Sabay sinagot ko yung tanong ni tita sa akin.

“hindi nya po yung magagawa kung hindi po sya nag-pursige, sya rin po naman ang nag-hirap naging adviser lang po nya ako, kapag nagkamali sya she need to stand up at learn from what mistake she did at itama yung mga pagkakamaling iyon.”

“Just like what your mom did?”

Bakit naman napasok sa usapan sila mommy?.

“tita…”

“no it’s ok, it’s ok kung hindi natin pag-uusapan, curious lang kasi talaga ako, why she need to go to America at pahirapan pa yung sarili nya para habulin yung isang tao na ayaw ng magpahabol, yung isang taong nakapag-desisyon na, alam mo karlo kung mahal kayo ng daddy mo, gumawa na sya ng way para bumalik sa inyo, pero hindi eh.”

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon