KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 40
“Minsan kelangan nating tumawa at tumakas sa mapaglarong mundo, yung tatawa ka lang ng tatawa, yung malakas, wala kang pakialam kung pagalitan ka man ng kapitbahay nyo. O batuhin ka man ng kung anong mahawakan nila dahil minsan ka lang naman tatawa eh, at yun yung panahon na kung saan eh sobrang malungkot ka, sobrang masakit na ano ba naman na kahit minsan eh tawanan mo yung problema kahit alam mong sa pagtawa mo eh andun parin sya atleast nakatawa ka at least naging masaya ka kahit saglitan lang”.
……………………………..
KARLO’S POV
Pagkatapos ng date datetan naming apat nila BENCH, TRIXIE at ni APEM. Eh hinatid parin ako ng kotseng syang nagdala doon sa akin sa may north edsa. At utos kasi ni trixie yun hays yung babaeng talaga iyon.
Sinalubong ako ng malungkot na mukha ni mama.
“anong mukha yan?” kaagad kong tanong sa kanya.
“hows your’e date? Naging masaya ka ba?”
“hindi” kaagad kong sagot. Paano ka magiging masaya sa isang date na walang ginawa kundi, mag-away yung dalawang babaeng iyon?. Ang ingay ingay nila.
Nakakarita sila. Nakakabulabog sila ng ibang tao doon. At itong si bench eh walang ginawa kundi maging referee sa dalawang maiingay na iyon. Hays epic talaga.
“bakit naman?” tanong pa ni mommy. Na kaagad pinunasan ang luha sa mga mata nito.
“wala ka ng pakialam doon, nga pala bakit ka na naman umiiyak? Adik ka na ba mama? Umiiyak ka ng walang dahilan? Hoy umayos ka ah? Ayaw kong magkaroon ng nanay na baliw ipapadala na kaagad kita sa mandaluyong”
Pinunasan nga ni mommy yung natirang luha sa mata nya.
“ano na naman ito ma?” si mama ay niyakap ako.
Tinanggal ko yung pagyakap nya sa akin. Tumingin ako sa mga mata nya.
At tama ang hinala ko kagagaling lang nito sa isang mahabang iyak. Kilala ko na si mommy kapag umiiyak namumula yung mata, tapos yung mascara nya eh nagkakalat sa palibot ng mga mata nya sinong hindi makakalama kung umiyak sya o hindi? Isn’t obvious?.
Pumasok na kami sa loob. At umupo si mama sa couch at nakatitig parin sa pintuan.
“ma? Ano bang problema? Bakit kayo umiyak? Anong dahilan?”
At may itinaas syang bagay. Noong una hindi ko gaanong maintindihan kung anong ibig sabihin ng bagay na itinaas nya at noong nakita ko na passport ito. Saka ko na naintindihan yung gusto nyang sabihin.
“so nakapagdesisyon ka na talaga?” I deeply sigh at umupo na rin sa couch para pag-usapan ang dapat pag-usapan.
“hindi kasi ganito yun” mommy start explaning about what decision she had done.
“no! stop mom, you’ve decided, wala na akong magagawa. So kelan ako aalis?”
“no anak, hind ganun ang usapan namin ng daddy mo eh magtatapos ka muna ng highschool bago ka umalis at pupunta ng america.”
“but the point is aalis din ako, iiwan din kita mommy sa tingin mo ba kaya kong gawin yun?” medyo tumaas na yung boses ko. Oo we start arguing again.
Nag-aaway na naman kami sa isang bagay na walang sense, sa isang bagay na pareho lang kaming talo. Sa isang bagay na kapwa kami nagkakasakitan.
“wag mo akong pagtaasan ng boses karlo” mommy shouted at me.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)