KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 38
“Sometimes the less you say, the more that people understand. Just keep it simple”
………………………………
Adrienne’s POV
Hanggang sa bahay ay naalala ko parin yung pag-amin sa akin ni Bench na he likes me. Actually nararamdaman ko naman yun eh. Kaso syempre hindi naman ako medyo assuming kaya hindi ko kaaganong siniseryoso. Oo kras ko sya.
Sa totoo lang yung tipo nya talaga ang gusto ko.
Mayaman. Matalino, matangkad, maganda yung labi kulay pula, perfect you mukha, as in perfect hindi uso yung pimples o blackheads nakakahiya nga minsang tumabi sa kanya nagmumukha akong katulong nila eh. Dyahe.
At higit sa lahat, mabait at superduper sweet. Pero bakit parang iba yung nararamdaman ko sa kanya kesa kay karlo?.
Maybe karlo is more special than Bench. Special….special Child. Baliw kasi yung lalake na iyon. Speaking of kabaliwan nito.
May nabasa akong notes na nakalagay sa harapan ng monitor ng computer ko. Pumunta raw dito si karlo, kanina medyo nalate kasi ako nakauwi. Sayang….sayang talaga.
Anyways dumalaw nga raw yung unggoy na iyon para hiramin yung Chemistry book ko. At sabi nito eh nag-usap na raw kami at pumayag raw ako na kunin nalang ito sa kwarto ko. Anak ng tokwa? Nanakawan ako ng libro ng dis oras? Mga magulang ko talaga oh? Basta pagdating kay karlo eh bakit ganun nalang sila ka-open tsk.
Pero bakit yung book sa chemistry ang hiniram nya? Yung book na kung saan eh marami akong dapat sagutin.
Nasa kwarto ko parin yung teleponong lata. Nagbaka sakali akong nasa kwarto si karlo ng oras na iyon. Ayaw ko naman syang itext, sayang lang ang load ko sa unggoy na iyon.
Kinuha ko ito at iniligay na sa harapan ng aking bibig at nagsimula ng magsalita. Pero ano bang sasabihin ko sa kanya? Nahinto ako noong hawak ko na at nakatutok na ang lata sa bibig ko.
Ano ang sasabihin ko?
Bakit ko ba sya kakausapin?
Anong pag-uusapan namin?
For sure mag-aaway lang kami, mag-aasaran, sawa na ako doon, joke lang!.
Bahala na si kokey. Tsk
“hoy unggoy, kung andyan ka man dyan ka nalang wag ka ng lumabas, or worst wag ka ng mag-exist sa mundo ko kasi ginugulo mo ang utak ko”
Huh? Ano raw? Ano raw ang sinabe ko? Hays bakit ba kasi pagdating kay karlo eh para akong tanga? Mukha akong tanga? At umaarte akong tanga?
Hays tanga-tanga!.
Bumukas ang ilaw ng kwarto ni karlo, nakita ko ang anino nito sa kurtinang naka-sarado sa kanyang bintana.
“bakit? Lagi ba akong nasa isip mo?”
“oo gusto ko na ngang ipabunot itong utak ko eh, sobrang sakit na eh”
“eh sa puso mo? Andyan rin ba ako?”
“oo nandito Karin pati nga sa bagang ko nandoon ka rin eh, sa tartar ko, sa kili-kili ko, sa pelvic ko, sa fallopian tube ko, sa kuyukot ko sa white mens ko, sa yellow mens at sa pinks mens, lagi kang nandoon”
“huh? May pinks mens?”
“syempre joke lang iyon tanga”
“tanga ka rin alam ko yun, ipapaalala ko lang matalino ako Adrienne”
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)