THE GIRL FROM YESTERDAY
#TGFY 25
“Lahat talaga ng mga nagmamadali, nagkakamali”
…………………….
Karlo’s POV
Magkapit bahay lang kami ni Adrienne, pero it seem so far away from the girl I love so much. Muli ako nakatingin sa aking bintana. Yung binata ko kasi kaharap lang din ng bintana ng kwarto ni Adrienne. Diba? Isang hagis lang ng kung anong mabigat na bagay tutunog na kaagad yung bintana nya, at sisilip na muli sya sa bintana saka kami mag-uusap. Naalala ko pa dati kapag hindi sya pinapalabas ni tita marie. Gamit ang isang lata, ay naisipan kong gumawa ng paraan para makausap ko ang bestfriend ko. Hawak hawak ko ngayon yung laruang Lata na syang dati ay ginagamit namin para maka-pag-usap at makipag-kumunikyet sa isa’t isa. Dito nalalaman ko ang damdamin ng bestfriend ko. Yung galit, inis at problema nya sa pamilya nya na wala na raw ginawa kundi ang mag-away at magsagutan.
Gusto ko man gawin ito ngayon pero alam kong hindi rin nya ako pakikinggan. Inayos ko ang sarili ko, gusto ko ng taong makaka-usap. Lumabas ako ng bahay, ni hindi na ako nakapag-paalam pa kay mommy o kay daddy. Gusto kong puntahan si Sophia and tell to her everything that happen today.
Nasa harapan na ako ng bahay nila Sophia. I try to text and call her, pero hindi nya sinasagot yung tawag ko. Siguro tulog na yun. Ano oras na ba kasi? Sabay tumingin ako sa Wrist watch ko. Alas 2 na pala ng madaling araw?. Napakamot ako sa ulo saka, nagdesisyong akyatin ang bakod ng bahay nila Sophia. Wala naman silang aso pero may malaki silang pusa. At hindi naman ako natatakot sa pusa. Inakyat ko na yung bakod. Sa wakas ligtas naman akong nakapasok sa loob ng tahanan nila. May nakita akong isang malaking hagdanan. Kinuha ko ito’t saka inayos patungo sa biranda ng kwarto ni Sophia. Nakaakyat na ako, pero noong binuksan ko yung Glass Slide Door sa kwarto ay nagulantang ako noong Makita kong hindi pala iyon kwarto ni Sophia, kundi sa mommy’t daddy nya. Nagdahan-dahan akong naglakad palabas. Nakahinga naman ako ng maayos noong makalanghap na ako ng hangin. Hanggang sa may narinig akong sumitsit. Napalingon ako ay yung! GotCha.
“Anong ginagawa mo dito?” hinila ako papasok ni Sophia sa kwarto niya. Ngeta, maling kwarto pala talaga yung napasukan ko. Medyo inis yung mukha ni Sophia. Ewan ko lang kung bakit pero bakit ganun sya kung makapag-alala sa akin?
“Gusto kitang Makita” sabi ko sabay kapwa kaming dalawa umupo sa kama nya.
“Ulol, tigilan mo ako. Sa ganitong oras?. May problema ka na naman no?” tanong nito sa akin. Saka nagsuot ng damit pang itaas. Actually nakatitig kasi ako sa katawan nya. Nakabra lang kasi sya noong nakita ko sya at bilang isang lalake hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa maganda nyang katawan. (Palusot.com)
“Bat mo alam?” kunwari, nagtataka saka inayos ko yung pag-upo ko. Muling tumabi si Sophia sa akin. Nakatitig ito. Dim light ang loob ng kwarto nya at parang may iba akong naramdaman noong tumitig sya sa akin.
“Tssk. Ewan ko sa iyo. Tell me, ano yung problema mo?. Si Adrienne na naman ba?. Kinausap mo sya. Sinabe mo na gusto mo sya tapos, hindi ka na naman nya gusto?. Kasi nagbalikan na sila ni Bench?. Tapos ikaw ito? Halos mabaliw na kasi hindi mo maintindihan kung bakit nya sinabe yung mga bagay na iyon noong isang araw. Marami ng gumugulo sa isip mo…chuchuchuu….” Pigilan ko sya sa pagsasalita gamit ang labi ko. Oo hinalikan ko sya. Masyado syang maingay. Pero mas nagulat ako sa sumunod na ginawa nya.
Lumaban si Sophia sa halik na ginawa ko sa kanya. Hinawakan pa nya yung ulo ko’t saka inalalayan ito habang nag-eepadahan kami gamit ang aming mga dila. Huminto kami saglit. At kumuha ako ng hangin, dahil feeling ko mauubusan ako ng hangin sa ginawa kong iyon.

BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Ficção AdolescenteKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)