#ENTRY 36

2.3K 20 6
                                        

KUMUSTA KRAS MO

#ENTRY 36

“minsan kahit na hindi kayo magkita, basta’t alam mong andyan sya palagi sa tabi mo eh, kampante ka parin na ok kayo, kahit na nga hindi kayo gaanong nagkakausap, nagkikita, dahil ang tunay na magkaibigan, kahit ilang libong taon di magkita, mag-kaibigan at magkaibigan parin ito”

Adrienne’s POV

Sa bahay.

Bakit parang ang tahimik ng bahay?. Bakit parang walang maingay sa bahay?. Oo nakabukas ang tv at pawing tv lang ang maingay sa bahay ng alas 8 ng gabi. Usually kasi kaming dalawa ni karlo ang nagbibigay ingay sa bahay na ito sa aming pagbabangayang dalawa lagi.

Pero ngayon? Kelangan ko na sigurong masanay na mag-isang muli, yung walang pumapansin, yung multo, yung parang patay.

Na yung si gravity lang yung kaibigan ko.. oo idagdag mo na yung baliw na rin na si bench.

Pero kasi parang iba na noong wala si karlo, wala si karlo sa bahay ko. Sa buhay ko?

Nagdadrama ako sa loob ng kwarto ko ng biglang.

Tstksksk (hehe hindi ko alam ang sounds ng pagbato ng isang bagay sa bintana eh)

Napatingin ako sa kabilang bintana. Oo yung binata ni karlo eh syang kaharapa ng bintana ng kwarto ko.

Nakangiting itong si karlo sa kwarto nya.

At nakareceived ako ng isang tawag galing sa phone ko.

Kringggggggggggg kringgggggggggggg.

Sa screen ng phone ko nakalagay.

Unggoy si callinggggg….unggoy is calling. Oo unggoy kasi ang pangalan nya sa phone ko tsk.

Sinagot ko ito.

“anong masamang hangin ang nagsabi sa iyo na tawagan mo ako?”

“sinagot mo naman? Sus namiss mo ako no?”

“mukha mo” ibaba-baba ko na sana yung phone ko na may narinig akong lata na biglang pumasok sa kwarto ko.

Isang lata iyon na may tali ang tali ay galing sa kwarto ni karlo. Tumingin ako kay karlo. At saka tinignan ko yung phone ko, pinatay nap ala yung pagtawag nya sa akin.

Inilapat ni karlo yung lata sa bibig nya saka ito nagsalita.

“Dragona….” May sounds na lumabas galing sa lata. Kinuha ko ito at parang namangha.

Itinapat ko na rin yun bibig ko doon sa lata at nagsalita.

“bakit? Unggoy?” tanong sabi ko doon sa lata.

“ang ganda mo” sabi pa ni karlo over the lata.

“alam ko yun, ikaw ang pangit mo” sabi ko naman over lata.

“weh??? Di nga?” sagot pa nito.

Nag-usap na kaming dalawa sa telephonong made in lata. Infairness mas accessible at malinawa ito kesa sa cellphone o telephono. I can’t imagine na laro pala ito at ginawa noong unang panahon para makausap ang ibang tao what a brilliant idea.

“Did you miss me?”

“hindi”

“kasi ikaw namimiss na kita” sabi pa ni karlo. Saglit na huminto ang tibok ng puso ko. But then I realize, walang matinong sinasabi itong lalakeng ito kaya kaagad ko itong winaglit sa akin isipan at nakipaglaro nalang ako sa mga sinasabe nya sa akin.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon