KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 21
ADRIENNE’S POV
Kinakabahan na ako, yung tipong gusto ng lumabas ng kaba sa dibdib ko?, bakit ba kasi ang tagal sumagot ni bench sa tanong ko kung masarap ba yung niluto ko?. Kahit na alam ko na masarap ito at wala itong kasing sarap. Hehe medyo malakas ang tiwala sa sarili?.
Eh hindi ko maiwasang kabahan kasi si bench yun eh. Si kras yun, kung si karlo lang yun eh kahit ano naman lutuin ko doon eh kakainin nito. Kahit nga pagkaing para sa aso kakainin nito. Hehe peace karlo.
“ano? Masarap ba? Hmmm pwedeng bilisan mo yung pagsagot? Kasi natatae na ako sa sobrang kaba ko bench…sabihin mo na kasi kung masarap, o kung hindi man masarap eh. Sabihin mo kung ok o hindi” pagmamadali ko pa kay bench na mag salita, kahit na feeling ko eh niraramdam pa nito ang sarap ng luto ko. Tsk sana nga huhu
Lumunok na si bench. At lumagok ng isang tubig sa baso.
“sorry? Ah kung medyo matagal akong sumagot, kasi hindi kami pwedeng magsalita habang may laman yung bibig namin, it’s Dinning Etiquette, na don’t talk if your mouth is full” ahmm medyo napahiya ako doon. Sorry naman po. Medyo na-excite lang naman ako na malaman kung masarap ba yung niluto ko, eh kayo kung ipapatikim nyo sa kras nyo yung pagkaing pinaghirapan nyong lutuin at pasarapin tapos hindi man lang ito magsasalita kung ok o hindi? Diba kakabahan ka?. Diba maiintense ka?.
Hanggang sa….nag-iba yung pakiramdam ko.
“what’s happening here?” si Trixie, oo ineexpect kong darating sya dito, eh magkapit-bahay lang sila ni bench. Base sa kwento sa akin kagabi ni bench.
Biglang tumayo sa kinauupuan nito si bench.
“please….Trixie” sabi pa ni Bench sa babaeng baliw na ito.
“yes, just like what I promise to you benji hindi ako gagawa ng gulo dito, unless gusto nya ng gulo? Isn’t Adrienne?” with her tiger look sa akin? Duh? Wtf. Ang pangit mo ulol.
Ningitian ko lang sya. Syempre fake smile yun. Nakakahiya kung dito ko ilalabas yung pagiging pokemon character ko (charizard).
“oh? Nandyan ka pala, Karlo hmmm bakit ka nandito? Girlfriend mo ba si Adrienne?” ang hard naman ng tanong nitong babaeng ito? Gf agad?. Hindi ba pwedeng ganito ang tanong mo?.
“oh? Nandyan ka pala karlo, hmmmm bakit ka nandito? Invited ka pala sa parting ito?” hehe medyo bad.
“oo Girlfriend ko si Adrienne bakit?” hala? Sinong nagsabing bf kita? Adik itong lalakeng ito, napatingin tuloy ako kay bench. At umiling ako. Just to say na hindi totoo yung sinasabe ng baliw na ito.
“no. he’s not my boyfriend. At hindi yung tipo nya ang gusto kong maging boyfriend” sagot ko pa kay Trixie
“ano bang tipo mong boyfriend?, hmmmm yung katulad ba ni Bench?” sabay tingin nito kay bench. Hays nakakahiya na ito, parang gusto ko ng mawala, at gamitin yung telephatic powers ko at mawala nalang bigla sa sitwasyong ito.
Namumula na ako, oo namumula na ako sa tensyon. Tensyo please layuan mo ako.
“kasi kung si benji ang magugustuhan mo eh, panalo ka. Una sa lahat sya lang naman ang tagapagmana ng Chan Properties. Isa sa pinakamayaman sa China na maraming pag-aari. Ito palang bahay na ito sa pilipinas eh napakalakit na, tapos idagdag mo pa yung kagwapuha ni benji, yung kakisigan nya, yung pagiging matalino nya at higit sa lahat yung sex appeal nya.” Shet pinagpapawisan na ako sa mga pinagsasabi ni trixie is she trying to insult me?.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)