#TGFY 21

622 11 6
                                        

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 21

“Bakit Kung kelan masaya na ako, ngayon pa ako naguguluhan Sa tunay na raramdaman ko?”

-Karlo.

……………………

Karlo’s POV

Ngayon mukhang okay na si Adrienne. Hindi ko nga alam parang wala lang sa kanya yung nangyari. Hindi ko na rin kinumpronta si Bench about it, dahil hindi naman nya sasabihin sa akin yun dahilan kung bakit nya nagawa yun. At isa pa wala akong pakialam sa buhay nya. Gago sya, sinabe ko na sa kanya na wag na wag nyang sasaktan yung damdamin ng bestfriend, pero ginawa pa rin nya. Pero ewan ko ba, bakit parang ang bilis-bilis maka-move on ni Adrienne kay Bench.

It was Sunday Morning, niyaya kong lumabas si Adrienne. Matagal-tagal na din kasi kaming hindi nagbobonding mag-bestfriend at sobrang miss ko na rin sya.

Pumunta muna kami sa simbahan then sumunod naman ay sa mall. Nanood kami ng isang movie, saka yung last stop ay sa bahay namin. Oo ininvite ko syang magdinner sa bahay, since umalis ang mommy nito pumunta raw sa isang kaibigan at baka medaling araw na raw itong umuwi, niyaya ko syang sa bahay na magdinner at pumayag naman ito. The whole gala namin, ay hindi ko tinanong at nirespeto ko yung katahimikan nya. Pero hindi kasi ako sanay na tahimik itong babaeng ito.

Sa kwarto, nakaupo ako sa higaan ko. Samantala sya, parang ngayon lang ulit nakapasok sa kwarto ko, minamasdan yung bawat sulok ng aking kwarto.

“Wala naman akong gaanong binago sa kwarto ko. Kung makapag-inspeksyon ka naman eh wagas” sabi ko sabay hampas sa kanya ng una.

“Aray.” Reklamo pa nya.

“Sorry, akala ko kasi….”

“Tss. Kainis ka. Bakit mo ako hinampas” reklamo pa nito.

“Nagsorry na nga eh” sabi ko .sabay iniwas ko yugn tingin ko sa kanya.

Konting katahimikan. Hanggang sa ….

“kumusta naman….” Sabay naming sinabe sa isa’t isa. Nagkahiyaan saka iniwas yung pagtingin sa isa’t isa.

“ikaw muna” sabi pa ni Apem.

“ladies first” sabi ko naman.

“Okay, kumusta ka” what an awkward question. Halos buong araw na kaming magkasama. Pero ngayon lang nya ako tinanong kung kumusta ako?. Hahaha

“Okay, happy. How about you?” balik kong tanong sa kanya.

“Not so Happy, but feel Free, Relief and….” Hindi na nya tinapos.

“And what?” tanong ko.

“Karlo” sabi pa ni Adrienne. Mahina yung boses nito pero seryoso yung mukha nya.

“Ano yun Apem?” sabi ko.

“karlo, Masaya ka ba noong lumayo ka?” sabay nakita kong tumulo bigla yung luha nya. Mabilis talagang umiyak itong lokong ito. Pero anong tanong nya?. Masaya ba ako noong lumay o ako sa kanya?. Bobo ba sya?. Syempre hindi.

Yung gabi na sinabe kong mag-paparaya ako sa para kay Bench. Ay isa sa pinag-sisisihan kong bagay na ginawa ko.

“Adrienne, bakit ka umiiyak?” tanong ko sa kanya.

“Wag mo na akong pansinin. Please paki-sagot naman yung tanogn ko?” sabi pa nya.

“Bakit ko kelangang sagutin yun?” giit ko pa sa kanya.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon