THE GIRL FROM YESTERDAY
#TGFY 20
“Ang Pag-ibig ay hindi isang mainit na pagkanin na kapag napaso ka isusuka mo kaagad. Minsan kelangan mong masaktan dahil sa desisyon ginawa mo, at mag-move on dahil may bukas pa”.
……………………
Adrienne’s POV
Sa totoo lang hindi ko naman talaga nakita yung video, pero matik na yun. Sikat sila sa paaralang ito at syempre kakalat at kakalat talaga ang simpleng video na iyon. At normal bilang girlfriend ng isang sikat na tulad ni Bench ang mag-reak sa mga ganitong mga bagay. I can’t believe na ginawa nya ito, I don’t know it’s old or new videos. I don’t really care, ang kelangan ko ngayon ay ang paliwanang nya kung bakit nya nagawa ito. O bakit hindi nya sinabe ito.
Tumatok si mommy sa kwarto ko. At sabi nito, nasa labas raw si Bench and he want to talk to me. Hindi pa ako ready na Makita sya, baka kasi ano pang masabi ko sa kanya. Pero hanggang kelan ko itatago itong galit sa dibdib ko?. Kapag inatake na ako sa puso?. Inayos ko ang sarili ko sabay sabi kay mommy na. kakausapin ko sya. Lumabas ako sa kwarto ko na may desisyon na sa sarili ko. I want to break up with this guy.
Almost 2 weeks palang noong sinagot ko sya but then may mga ganitong issues ang nang-yayari.
Nasa labas na ako at ganun din si Bench na nag-aantay sa may gate. Kaagad nyang hinawakan yung kamay ko’t tumingin sa mga mata ko. Pero iniwasan ko yun.
“Wag mo akong hawakan. Nakakadiri ka” singhal ko pa sa kanya.
“at may kapal ka pa ng mukha na pumunta dito ah?” dag dag ko pa sa kanya. Pinapamukha ko sa kanya na hindi ko sya kelangan. Na inis na inis ako sa kanya. Sa ginawa nya.
“I’m sorry” sabi nya ng mahina ang boses.
“Sorry?. Yun lang?, alam mo ba yung nararamdaman ko ngayon. Bench galit ako at gusto man kitang sampalin ngayon hindi ko magawa, bakit kamo?. Nag-lalaban yung isip at puso ko” muli nyang hinawakan yung kamay ko pero tinulak ko lang sya. Iniwas ko yung sarili ko kaunti sa kanya.
“Ganun ka ba kadesperado?, dahil ba hindi ko maibigay yung gusto mo. Hinanap mo naman ito sa iba? At kay Trixie pa?” sabi ko sa kanya.
“Hindi ganun Princess”
“wag mo na nga akong tawagin princesa, nakakasuka at isa pa Bench. Hindi ko na kaya”
“What do you mean? You’ll breaking up with me”
“Yes” mahinang sabi ko. Tumalikod sya saka malakas na himapas yung kamay nito sa hood ng kanyang kotse. At kinagulat ko ito.
“”Bench” sigaw ko pa.
“Sorry, Adrienne. I didn’t mean to hurt you, please wag mo naman akong iwan. Hindi ko kasi pwedeng sabihin yung dahilan kung bakit ko ginawa yun eh” pagmamakaawa pa nya. Dahilan? So lahat ng ito ay isang dahilan.
“Hindi ko kayang makipag-relasyon sa isang taong maraming tinatago sa sarili nito. Bench, sorry pero pagod na ako. Kelangan ko ng mag-pahinga umuwi ka na rin”
“Hindi ako uuwi, hindi ako aalis dito hangga’t hindi ka nakikipag-balikan sa akin”
“My Answer is finale. At hindi ko na babawiin yun”
“I’m sorry Adrienne”
“I’m Sorry Bench” sa pagkatalikod ko. Parang tinalikuran ko na rin yung mga magagandang mga memories namin together ni Bench. Sa isang pagkakamali lang ng isang tao, nasira na ang lahat. Hindi naman kasi ako santo at alam kong nagkamali din ako. Pero hindi naman kasi tama talaga yung ginawa ni Bench. At yung mga bagay pa na tinatago nya sa akin.

BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)