#ENTRY 9

3.2K 29 11
                                    

KUMUSTA  KRAS MO?

#ENTRY 9

ADRIENNE’S POV

Nauna akong umuwi sa bahay, pero after few seconds narinig ko na bumukas ang gate. At alam kong si karlo na iyon. Nakapasok na ako sa bahay , dumeretso ako ng kusina,  may napansin akong isang stickynotes sa refrigerator.

“anak, baka umaga na kami makauwi ng daddy mo, may party kasi kaming pupuntahan, anak mag-ingat ka ah?. Sorry hindi ako nakapamalengke, mamalengke ka nalang at magpasama ka kay karlo kayong dalawa nalang ang magmamalengke at ikaw na ang magluto para sa dinner nyong dalawa. Love you. Love mama.” Ang bait ng mama ko no? hindi man lang nag-iwan ng makakain naming dalawa bago sila maglandian?. Hays.

What? Ako ipagluluto ko yung mokong na iyon. Sabay narinig ko na ang yapak ng paa ng batugan na iyon at dumeretso rin ito sa kusina para uminom. Nakita nya akong nasa harapan ng ref kaya naghesitate itong lumapit at umiwas nalang.

“nauuhaw ka?.” Tanong ko pa sa kanya.

“oo kanina nauuhaw ako, ngayon feeling ko nasusuka na ako.” Aba ang yabang talaga nitong lalakeng ito.

“basahin mo ito.” Sabay pinakita ko sa kanya yung sulat na iniwan ni mommy.

“hindi ka marunong magbasa at kelangan pa ako na ang magbasa para sa iyo?”

“ang bobo mo rin no?. akala ko pa naman ang talino mo, ipapabasa ko ba yan sa iyo kung hindi ko pa nabasa?.  Sarcastiko kong sabi sa kanya.

Sabay kumuha ito ng baso at kinuha rin nito ang tubig sa loob ng ref at lumagok ng tubig saka umalis. Bastos talaga itong lalakeng ito.

…………………………….

Pagkatapos ng 30 minutes ay pinuntahan ko si karlo sa kwarto nito.

“samahan mo ako.” Ang batugan na ito ay nakahiga at nagbabasa ng isang libro. Hayahay ang buhay ni dodong. Ah?

“aba? Bakit kita kelangang samahan.” Grrrr. Hoy hindi ko gustong magpasama sa iyo adik?. Gusto ko na talagang lumapit sa lalakeng ito at sampalin ang mukha nito, hambalusin ng kung anong mang-gamit ang mahakawan ko basta ba mawala ang inis ko sa kanya grrrr.

Pero nahalata na yata nya na naiinis na ako. Kaya bigla itong tumayo, binitawan ang librong binabasa nya at lumapit sa akin. Nakipagtitigan, pagkatapos ngumiti. Hala adik? Bakit kaya ito ngumiti sa akin?.

Sabay kaming lumabas sa subdivision. At sumakay kami ng tricycle papunta sa palengke. Mag-aalas syete na ng oras na iyon pero marami paring tao sa palengke. Nasa likod ko lang si karlo the whole time na namamalengke ako.

May time pa na muntik na akong madulas, kaagad nya akong sinalo. Tapos nakatinginan kami. At inangat na nya ako at umiwas na ng tingin.

Pagkatapos ng halos 45 minutes na paikot-ikot sa loob ng mabahong palengkeng iyon ay natapos narin ako sa pamamalengke.

At bumalik na kami sa bahay.

………………………….

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon