#ENTRY 66

1.5K 17 7
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 66

kapag mahal mo ang isang taong. Mahalin mo ito, wag ka ng marami pang tanong, kasi sa sobrang maraming kang tinatanong at hinahanap. Hindi ka na nagmamahal. Nagtatanong ka nalang”

-Karlo.

……………………………………………..

“Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii” ang lakas ng sigaw ko ay syang nag-gising sa akin.

Noong imulat ko ang aking mga mata ay nasa loob na ako ng isang kwarto.

Sobrang sama ng paniginip ko. Yung lalakeng nasa panaginip ko. Ipinakita na nito yung kanyang itsura. Yung lalakeng paulit-ulit na bumabalik sa aking panaginip. Yung namatay, yung namamatay sa harapan ko mismo?. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso.

Muling tumulo ang luha na nastock sa aking mga mata.

“hindi, hindi pwede karlo.” Sambit ko sa sarili ko. Biglang bumukas ang pintuan.

May pag-alalalang lumapit sa akin si Karlo at kaagad ako nitong niyakap.

“anong problema?” tanong pa nito sa akin.

Umiiyak parin ako ng minutong iyon, saka sabing….

“Please don’t leave me karlo” utos ko pa sa kanya.

“huh?. Eh hindi naman kita iiwan ah?”

“Just promise; i promise na hindi mo ako iiwan”.

Paghihimutok ko pa sa kanya. Matagal syang sumagot. Siguro nag-isip pa ito ng kanyang isasagot pero noong inihampas ko sya ay doon na sya sumagot.

“oo na…promise hindi kita iiwan”

……………………………………..

Karlo’s POV.

“oo na…promise hindi kita iiwan” ito ang ipinangako ko sa harap ni Adrienne. Na hindi ko siya iiwan.

Umiiyak ito at pawis na pawis noong makarinig ako ng isang sigaw malapit sa aking kinatatayuan ng oras na iyon. Nakatayo lang ako sa balcony ng Private House ng pamilya chan sa Palawan. Oo nakarating na kami sa Resort nila pero sobrang na-pagod si Adrienne sa mahabang byahe kaya nakatulog ito.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto nito upang tingnan kung anong nangyari sa kanya at yun na nga ang dinatnan ko. Umiiyak na nakatulala si Adrienne.

Kaagad ko itong niyakap at pinakalma. Pero patuloy parin ito sa pag-iyak at paulit-ulit din nitong sinasabe na wag na wag ko raw syang iiwan.

Siguro nana-ginip na naman ito ng masama pero hindi kasi sinasabe ni Adrienne yung mga napapanaginipan nya, pero lagi naman itong umiiyak.

………………………………………

Nakahanda na ang kakainin namin ng gabing iyon kaming dalawa lang ang nasa hapag kaninan. Maraming mga kasambahay sa bahay na iyon pero tradition raw sa kanila na hindi sumasabay ang mga kasambahay sa mga bisita kapag kumakain ito.

Nakatitig ako kay Adrienne. At tila problemado parin ito sa nangyari sa kanya kanina sa loob ng kwartong pinag-tulugan nya.

Hinawakan ko yung kamay nya. Saka sya biglang tumingin sa akin. Binigyan ko ito ng matamis na ngiti, saka naman sya nagrespons ng magandang ngiti rin.

“everything will be ok? Magiging Masaya tayo dito. At isa pa plano mo ito kaya wag nating sayangin yung mga oras na natitira pa sa atin”

Ikinagulat ito ni Adrienne.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon