#ENTRY 63

1.6K 10 5
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 63

“Malalaman mo lang na Masaya ka sa isang tao, kapag iniisip mo palang ang pangalan nya napapangiti ka na”

-Adrienne.

………………………………

Adrienne’s POV

“Are you ready?” tanong pa sa akin ni Karlo, habang nasa harapan na kami ng pintuan ng bahay namin.

Sa pangalawa kasing pagkakataon eh magpapa-alam kami sa pamilya ko na kung pwede na nilang tanggapin ang relasyon na meron sa aming dalawa ni karlo.

Oo bastos akong tao, oo medyo hindi maganda yung mga salitang sinasabe ko sa bibig ko, na magaslaw akong babae. Pero when it talk about yung parents ko sobra ko silang nirerespeto. Inaaidolize ko sila sa pagmamahalan.

Kasi kahit anong mangyari na dumating sa aming pamilya ay hindi sila nag-iiwanan, nagmamahalan parin silang dalawa. At sa tingin ko kaya sila/kami ay nagiging matatag bilang pamilya ay dahil iyon sa mahal namin ang isa’t isa.

At ngayon haharap nga muli kami sa pamilya ko para hingin ulit ni Karlo ang kamay ng aking pamilya para maging pormal na kaming magkasintahan.

Hindi ko maiwasang mag-isip ng masamang bagay noong papasok palang kami ng bahay. Baka saktan ni daddy si karlo. Baka murahin naman ni mommy at magbigay ng mga masasamang salita kay karlo.

Pero noong binuksan na namin ang pintuan ay kapwa kaming dalawa ay nagulat sa aming nakita.

“ma? Anong ginagawa mo dito?” gulat na sabi ni karlo kay tita franz na nasa loob ng bahay namin. Ganitong ganito rin yung eksena na nagtapat si karlo sa kanila pero in the end hindi parin sila pumayag kahit na sobra na yung pag-papaliwanag ni karlo sa kanila.

Ang mas kinagulat ko pa ay yung pag-lapit ni mommy kay karlo at biglang niyakap ito.

Mangiyak-ngiyak pang lumapti si mommy kay karlo at humingi pa ito ng patawad.

“sorry karlo. Patawarni mo ako. Hindi ko alam, sana mapatawad mo ako” umiiyak na si mommy noong humihingi ito ng tawad. Papaluhod pa nga sana si mommy pero kaagad itong pinigilan ni karlo at inangat kaagad nito ang katawan ni mommy saka niyakap muli.

Hindi ko maintindihan kung anong mga nangyayari. Kung bakit humihingi ng patawad si mommy kay Karlo, kung bakit ngayon nya lang raw nalaman. Na nagsisisi sya sa ginawa nya kay karlo at sa aming dalawa.

Maraming tanong na pumapasok sa isip ko ng oras na iyon pero mas nananaig yung saya at ligaya kasi tanggap na kami ng pamilya namin.

Yes, I can proudly say that KARLO JAMES MANDIRIGMA is now my officially Boyfriend. And we’re officially Dating, and I love him so much.

Hindi maalis sa mukha ko yung kasiyahan noong nasa loob ulit ako kasama ang boyfriend ko. Yes pwede ko na talaga syang tawagin boyfriend ko.

Naalala ko pa dati, na pangarap ko lang sya pero ngayon nahahawakan ko na sya. Nahahalikan, at tama sila that dreams do come true kapag naniniwala ka dito.

Nasa loob nga kami ng kwarto ko. Naka-higa kaming dalawa sa kama ko. Nakatagilid kami sa isa’t isa.

Nilalaro pa ni Karlo yung ilong kong matangos, ako naman ay pinipisil yung tenga nyang kay laki.

“alam mo bang kras na kita dati pa?” biglang sabi pa ni karlo sa akin sabay halik pa sa nood ko.

Kelan, Saan, Papaano? Ako naging kras ni Karlo eh una palang eh ako na yung baliw na baliw sa kanya.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon