Kabanata 2
"Gravityyyyyyy" mahabang sigaw kong pagtawag sa kaibigan kong halos isang linggo ko ding hindi nakita. Nagkasakit kasi ito at sobrang miss na miss ko na siya ngayon kaya patakbo akong lumapit sa kaniya upang salubungin at bigyan nang isang malaki at mahigpit na yakap ng isang nag-aalalang kaibigang katulad ko.
"Makasigaw naman ito" gulat na sabi pa sa akin ni Gravity saka tumingin sa paligid. Nakuha ko kasi yung atensyon ng mga tao sa pagsigaw ko ng pangalan niya. Sa totoo lang, ayaw na ayaw niya tinatawag siya sa pangalan niya. Ang astig kaya ng pangalan niya, Gravity. Gravity means very serious, at kung sa Physics naman ay, the natural force that causes things to fall towards earth. Basta yun na yun.
"Namiss lang kita" sabay yakap nang mahigpit sa kaniya.
"Ikaw? Hindi ko namiss. At isa pa, alam mo naman na ayaw na ayaw kong may ibang nakakarinig sa mabaho kong pangalan ah?" inis pa nitong sabi sa akin. Siniko ko siya, saka binatukan. Umaray naman siya pagkatapos nun.
"Kasalanan ko bang mabaho ang pangalan mo? At hindi lang ang pangalan mo ang mabaho, kundi pati yang bunganga mo. Isang linggo ka lang hindi pumasok, isang linggo ka ring hindi nagtoothbrush? Amoy kanal na kaya?" biro ko pa sa kaniya. Ganito kami magbiruan ng kaibigan ko, kahit na medyo nakaka-offend, alam ko naman sa sarili ko na hindi totoo yung sinasabe ko sa kaniya. Pang-asar lang talaga yun. Dahil ang cute-cute niya kapag naiinis nakakatuwang tignan.
"Nahiya naman ako sa bango ng pangalan mo APEM? Na sa sobrang haba eh hindi mo na malaman kung tao ba o alien?" see? Bawi-bawian lang nang asaran. Kahit na ganito kami mag-asaran eh mahal parin namin ang isa't isa. Umupo kaming dalawa sa isang kahoy na upuan malapit sa isang puno nang mangga na di kalayuan sa Admin Office.
"Kumusta kras mo?" tanong sa akin ni Gravity saka inilabas ang notebook nito, saka ito ibinuklat at nagbasa.
"Hmmm si Kras?" saka biglang pumasok sa isip ko si Karlo. Wala naman akong ibang kras kundi siya lang naman eh. At bigla ding pumasok sa isip ko yung sinabe niya. Kung Mamatay siya, edi Mamatay na siya. Kasalanan niya yan eh. Sa tuwing naririnig ko ang katagang iyon na siya hindi parin maalis sa utak ko ay naiiyak ako.
"Oo, hindi ka parin ba napapagod sa pagiging tanga mo? Ang pagiging tanga, hindi yang coarse na kelangang mong seryosohin. At hindi paborito mong pagkain na kelangan mong araw-arawin. Ang pagiging tanga, minsanan lang yan. So if I were you tanggalin mo na yang lalakeng yan sa isip at puso mo Adrienne"
"Kung kaya ko lang," saka ko huminga nang malalim. At muling tumingin kay Gravity. "Yan" sabay turo sa dibdib ko gamit ang ballpen nito. Medyo nasaktan pa ako dahil sa ka naturok nito ang malambot na. "Yang ang dahilan kung bakit hindi ka nakakapag-focus ngayon sa pag-aaral mo? Yang nararamdaman mo sa lalakeng iyon, na hindi naman niya nasususklian. Okay lang ba sa iyo na hanggang tingin ka lang? na nasasatisfy mo lang yung sarili mo sa tuwing nakikita mo at dinadaanan ka lang niya? Adrienne, Kras mo lang siya. Hindi mo siya pagMamay-ari. Wag mong gawing bigdeal ang pagkakaroon ng kras okay?" muling naging isang mala-dragong nag-init ang ilong itong si Gravity. He's always like a big brother to me, na kung kelan niya ako gustong pagalitan eh kayang-kaya niya. Nakakatuwa ring isipin na may isang taong nag-tya-tiyagang makinig sa mga nonsense kong problema. Sa totoo lang, sabi ni Gravity hindi naman raw dapat problemahin ang mga ganitong bagay. May mga bagay na mas kelangan kong bigyang tuon, eto ay ang pag-aaral ko.
"Ganito nalang, tulungan mo ako. Tulungan mo nalang akong maging close sa kaniya. I mean, it sounds desperate pero, gusto ko siya kilalanin. I want to know more everything about him. Please?!" sabi ko sa kaniya na may kasamang puppy eye. Bigla niya akong sinapok sa ulo at sobrang sakit nun, gagantihan ko sana siya nang hampas pero kaagad itong umiwas.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)