#TGFY 14

758 10 9
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 14

“Ngayon ko lang naramdaman ito. At kakaiba pala yung feeling na may tunay na nagmamahal sa iyo. Masaya sa pakiramdam”.

-Adrienne.

………………………………

Adrienne’s POV

Ang pinaka-aantay nang lahat, lalong lalo na ako. Oo ito yung araw na isa sa kinakatakutan kong mangyari, pero may halong excitement. Dahil sa wakas eh, haharap na kami sa mga tao. At wala nang ayawan ito. Dahil allset na lahat.

Nasa backstage ako, kasama ko ang ibang mga co-actors ko, hawak hawak parin ni Ayris yung script nya. May mga ibang lines pa kasi sya na kelangan nyang kabisaduhin. Samantalang tahimik naman itong si Trixie, na walang ginawa kundi magtext nang magtext. Katabi ko naman si Bench, hawak hawak nito yung kamay ko. Napatitig naman ako sa kanya. Sobrang cool lang sya buong araw, ni hindi ko nararamdaman na kinakabahan sya. O kahit man lang may kaunting kaba itong nararamdaman.

“Hindi ka kinakabahan?” tanong ko sabay hawak sa dibdib ko. Dahil ilang minuto nalang eh. Kelangan na naming gawin ang pinakabest namin.

Hinigpitan nya ang paghawak sa kamay ko. Hinimas-himas pa nya ito. Habang nakatitig sa aking mga mata. O Bench, wag mo akong titigan, mas lalo akong kinabahan.

“Just be yourself, and everything will be fine. Wag kang kabahan, dahil andito naman kaming lahat, and maging Masaya ka kasi, isa ito sa pinapangarap mo diba?” oo tama sya. Isa ito sa pangarap ko noon pa. simula noong pumasok ako sa dito sa paaralan ito. Sinabe ko sa sarili ko, na kahit man lang ako ang syang magsulat nang script o story na syang gagamitin para sa annual Stage play sa aming paaralan okay na. dagdag nalang sa mga kasiyahan ko yung mapabilang sa isa sa mga actors ngayon taon.

Huminga ako nang malalim. Saka bahagyang ngumiti kay Bench.

“Salamat Bench”.

……………………………….

Tumunog na ang drumrolls, nasa likod na kami nang malaking kurtinang pula. Magkakahawak kami nang mga kamay. Bahagya pa kaming nagdasal sa pinakahuling pagkakataon. At ang aking dinasal.

Matapos po saan ito oh lord, nang matiwasay. Maraming salamat po.

Saka bumukas ang malaking tolda, at saka kami nakarinig nang malakas na hiyawan at palakpakan nang mga tao sa aming harapan. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil punong puno, at maski sa upper deck nang aming auditorium ay puno ang mga tao. Nakita ko rin sa bandang ibaba si mama, na katabi sina tita france at ang daddy ni Karlo. May banner pa silang hawak go go Adrienne. – si mommy. Samantalang  We love you karlo – sina tita france at tito karl.  Napangiti pa kami ni karlo, kahit na alam kong iritang irita na ito sa pinag-gagawa nang kanyang pamilya sa kanya.

Sana nandito rin si daddy, gusto kong Makita nya akong nagpeperform at ang wish ko ay sana maging maayos nang muli ang pamilya namin. Sana nga Apem.

………………………………………

kapag namatay ka, mamamatay rin ang puso ko, pero hindi ang pag-ibig ko na aabot hanggang langit. Kung saan tayo ay muling magsasama at magiging Masaya”

Huling linyang aking binitawan, baka ako bumagsak sa kunwaring mataaas na building.

Nagpalakpakan ang mga tao. Narinig ko pang naghiyawan ang iba, tumulo na ang luha ko. At nawala na ang kaba sa dibdib ko. Salamat lord, at maganda ang kinalabasan nang lahat.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon