KUMUSTA KRAS MO?
A/N: guys thank you po ah? At 6k na po tayo. Pero sana doon sa mga nagbabasa, libre lang po ang mag-comment kasi po gusto ko rin pong marinig o mabasa yung mga feedback nyo kung ok lang ba yung chapter o hindi para may mabago ako o madagdag pa. suggestion kung baga. Pero nagpapasalamat ako doon sa walang sawang nagbabasa sa kwento kon ito.
Thankyoupo. Hoy Silent reader, pwede Karing magcomment hehe
Xoxo
Wackymervin.
#ENTRY 24
KARLO’S POV
Kinaumagahan.
Badtrip parin si Apem sa akin. Hindi parin ako pinapansin nito kahit na kinukulit ko ito. Masyado ata syang nasaktan doon sa biro ko sa ice cream parlor. Eh alam ko naman na alam nya na binibiro ko lang sya, masyado kasi syang nagpapaniwala sa mga sinasabe ko eh. Tsk
Hanggang sa pagbaba nito sa kotse ay ni hindi man lang ako nito kinibo. Kaya hinawaka ko ang braso nito.
Napatingin si Apem sa akin.
“galit ka ba sa akin?” tanong ko sa kanya.
“may dapat ba akong ikagalit sa iyo karlo?, meron ba?”
“sa tingin ko wala naman.” Sagot ko sa kanya
“yun naman pala eh. Papasok na ako, baka malate pa ako” hindi ganito sumagot ang normal na reyna ng mga Dragona. Nananapak ito. Nananakit. At higit sa lahat sumisigaw pero ng oras na iyon eh kalmadang kalmado sya. Kaya binitawan ko na yung kamay ko sa balikat nya and I let her go.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot.
Biglang parang nanghina yung buong katawan ko.
Parang tinatamad akong pumasok.
Parang gusto kong Makita si Adrienne. Gusto ko syang makausap.
Gusto ko syang maka-away.
Gusto ko syang maka-sagutan.
Gusto ko sya…
Gusto ko na nga ba sya?. Napakamot nalang ako ng ulo ko dahil hindi ko alam kung bakit ko nasasabi itong mga salitang ito.
“tandaan mo, karlo hindi ka pwedeng mag-mahal”
“gusto mo na bang mamatay?”
“gusto mo na bang mawala sa mundong ito?”
“kung mahal mo na si Apem, you should let her go” let her go? Eh bakit? Pag-aari ko na ba sya? Kami na ba? May nangyari na ba? Bakit kelangan kong mag-let go?.
Then I realize tama, yung konsensya ko.
Masasaktan ko lang si Apem. If I still insist my feelings on her. Mas mabuti na siguro na ganito kami, kahit na nag-aaway eh hindi nya parin ako iniiwan.
Hindi kami mag-kaibigan nor mag-kaaway kami.
Mas mabuti na yun kesa sa magkaibigan kayo, tapos magiging mag-kaaway naman pala kayo sa dulo eh hindi na maibabalik yung relationship na meron kayo.
Hays bakit ko ba nasasabi itong mga kabaliwan kong ito? Tsk makapasok na nga.
………………………..
Lunch break.
Nakita kong kasama ulit nila Apem si Gravity at Bench sa Cafeteria, at yung mukha ni Apem noong umalis sya sa bahay ay ganun parin. Akala ko kapag nakita na nya si Bench eh magbabago na yung araw nya hindi parin pala, nakonsensya naman ako sa ginawa ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Novela JuvenilKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)