THE GIRL FROM YESTERDAY
#TGFY 28
“Wala ng mas sasakit pa ng malaman mong niloloko ka lang pala ng taon, akala mo ay tunay na malasakit at nagmamahal sa iyo”
……………………….
Adrienne’s POV
Nang dinilat ko ang aking mga mata. May kung anong bagay ang itinurok sa akin ang isang nurse. Oo nasa hospital na ako ng mga oras na iyon. Napaka-puti, lahat ng mga nakikita ko ay may kulay puti. Ang uniform ng Nurse, ang kwartong kinalalagyan ko. Ang bulaklak sa side table ko, maski ang upuan sa may tabi ko ay kulay puti. Eto na ba ang sinasabi nilang Heaven?. Sana nasa langit na nga ako, nang hindi ko na nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon. “Are you okay?” tanong pa sa akin ng nurse pagkatapos nitong kunin ang impormasyon sa akin. Yung bloodpressure, yung amount ng dekstros at kung ano-ano pa. “I’m not feeling well, nasaan ang pamilya ko?” tanong ko sa pa sa kanya. Ngumiti ito saka bahagyang ginalaw nila yung buhok ko na naka-harang sa aking mukha. Pati kasi pag-galaw ng katawan ko, o yung kamay ko ay hindi ko maigalaw. “Wala pa akong nakikitang mga kamag-anak mo. Kundi yung mga kaibigan mo lang na nasa labas ng kwartong ito.” Hanggang sa mapalingon ako sa may pintuan kung saan nakarinig ako ng malalakas na usapan. Ay mali mukhang hindi sila nag-uusap kundi nagtatalo.
Narinig ko pa na nangunguna ang boses ni imee. “”Mag-aaway kayo?. Gagawa kayo ng iskandalo dito?. Sa tingin makakabuti kay Adrienne yang ginagawa nyo?. Look guys, hindi kayo nakakatulong kay Adrienne. Mas lalo nyo lang pinapahirapan ang damdamin nya.” Rinig kong singhal ni imee sa dalawang lalakeng kausap nya. At alam ko rin na ang tinutukoy nitong mga lalake ay sina Karlo at ang walang hiyang lalakeng iyon na, walang ginawa kundi lokohin at saktan ang damdamin ko. Ni hindi ko maalala kung anong nagawa ko sa kanya at bakit nya ako sinasaktan ng ganito?. Dalawang beses ko syang pinagkatiwalaan, pinagbigyan ng pagkakataon na mahalin ako pero kasasagot ko lang sa kanya kanina at ito dahil sa kanya narito ako ngayon at nakahiga sa malaking kwarto na ito. Lumabas ang nurse, at pagkatapos nitong lumabas ay saka naman pumasok si imee. Mapaluha-luha pa ito noong pumasok at lumapit sa aking kinahihigaan. “Are you alright?” tanong pa nito sa akin habang lumuhod at hinawakan ang aking kamay saka nito iniharap sa kanyang bibig na pinipigilang umiyak. “Do I look okay? Tsk” biro ko pa sa kanya. “Sorry Adrienne, hindi kita binantayan. Sinasabi ko na kasi sayo na hindi mapagkakatiwalaan nyang si…” hindi nya na ituloy yung pagsasalita dahil sa nagsalita na ako bago pa nito ituloy yung gusto nitong sabihin. “Wag kang humingi ng sorry. Hindi mo kasalanan, kasalanan ko ito. Masyado kasi akong bulag, masyado akong nagtiwala, masyado akong napamahal”. Hindi raw pinapasok ni imee. Diba? Ang lakas ng loob nya, at buti naman pumayag yung dalawa. Kahit na alam ko na gustong gusto na nila akong makita. Pero ayaw ko munang makakita ng ibang tao. Maski nga sana si Imee pero nagpumilit kasi ito. Sabi rin ni imee na on the way na raw si mommy, na sobrang gulat na gulat sa nangyari. Akala ko nga ay nasa school na sya ng oras na iyon pero bakit hanggang ngayon na nandito ako sa hospital ay wala parin sya. Sabi ni imee noong kinausap nito si mommy ay sinundo paraw nito si daddy at sabay na raw silang pupunta dito.
Pagkalipas ng ilang minuto, may kumatok sa may pintuan. Bumukas ito at alam kong sina mommy na ito. Tumayo si imee saka sinalubong sila mommy. Nagbeso at saka lumabas. Gaya ng reaksyon ni imee ganun din ang mukha ni mommy at nasa likod naman nito ang mahal kong ama. “Anong nangyari sa iyo anak?” tumulo na ang luha ni mommy. Bago pa man ito makalapit sa akin. Just like the ordinary mom, na makikita na naka higa o may sakit lang ang anak nila ay mapapaiyak na kaagad sila. Siguro kasi kakaiba kasi yung kuneksyon ng ina at anak kesa sa ama at anak. Kaya mas emotional ang mga nanay when It comes in this kind of situations. Iniurong ko ang ulo ko at hindi sinalubong ang tingin ng mommy ko. Galit ako sa kanya, naiinis ako sa kanya. Marami na nga akong tanong sa isip ko pero dumadagdag pa sya. Like mother like daugther pilit na bumabalik sa akin isipan yung katagang sinabe ni Trixie noon sa Auditorium. Dahil katulad nya malandi rin ang nanay nya. Tumulo na ang luha ko. Mainit na luha ito, nakakapaso. Nakakapaso ng puso kong durog na durog na. there’s no such a happy endingin real life oo alam ko naman yun eh. Pero masama bang mangarap. Alam ko na hindi perfect ang family namin, unlike sa mga taong nakikita ko na laging nagsisimba together, sama-samang kumakain sa labas together, nakangiti, masaya at nagkukulitan na para bang walang problema. Minsan nga parang naisip ko na mas maganda pa nga siguro noong bata pa ako. Atleast nararasan ko pa ang mga ganung bagay, unlike ngayon. “Sorry anak, patawarin mo ako.” Sabi pa ni mama, habang patuloy ito sa pag-iyak. Muli akong napalingon sa mommy ko. Hawak hawak na nito yung kamay ko na paralyze na hindi ko maintindihan kung bakit. “Anak, patawarin mo ako” paulit ulit na sinasabe ni mommy. Tumingin ako ng diretso sa kanyang basang basang mga mata. At ibinuka ang aking bibig saka ako nagsimulang magtanong sa kanya. Yung mga tanong na syang pilit na gumugulo sa aking murang isipan.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)